Patuloy na pagkilos laban sa katiwalian, panawagan ni Bishop Bagaforo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,804 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng patuloy na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mamamayan laban sa lumalalang katiwalian sa bansa.

Sa mensahe sa Radyo Veritas ni Bishop Bagaforo na isa ring convenor ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na nag-organisa sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument, ay binigyang-diin ng Obispo na mahalaga ang sama-samang pagtindig ng taumbayan para sa pagbabago at pagpuksa sa katiwalian na maituturing na “salot ng lipunan.”

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat na manatili ang pag-asa sa puso ng bawat isa na magkaroon ng kaliwanagan ang puso at isip ng mga lingkod bayan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang pag-asa natin ay of course ang ating mga kabataan, ang pag-asa natin ay sana magkaroon ng enlightenment ang ating mga leaders pero ang higit sa lahat ang pag-asa natin ay kung tayo ay sama-samang kikilos, magkaisa para sa pagbabago at para mapuksa at mawala na itong corruption na salot ng ating lipunan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa CLCNT, layunin ng naganap na Trillion Peso March na manawagan ng pananagutan, katarungan, at katapatan mula sa mga namumuno sa pamahalaan, at palakasin ang tinig ng bayan laban sa kultura ng katiwalian at kawalan ng pananagutan.

Batay sa inisyal na pagtataya, umabot sa humigit kumulang 30,000 ang nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption noong Linggo ika-21 ng Setyembre, 2025.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,816 total reads

 48,816 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 167,341 total reads

 167,341 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 252,710 total reads

 252,710 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 299,450 total reads

 299,450 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 347,317 total reads

 347,317 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 443,083 total reads

 443,083 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top