Katiwalian, tinagurian ng CMSP-JPICC na kasalanang moral at espiritwal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,833 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) kasama ang kanilang mga mission partners laban sa sistematikong katiwalian sa bansa.

Sa isinapublikong Solidarity and Prophetic Statement ng CMSP–JPICC bilang pakikibahagi sa Day of Protest and Indignation Against Corruption o Araw ng Pambansang Protesta at Pagkondena sa Katiwalian ngayong Setyembre 21, 2025 ay inihayag ng kalipunan na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng katiwalian.

Paliwanag ng CMSP–JPICC hindi lamang usaping political ang usapin ng katiwalian sa kaban ng bayan sa halip ay isang malalim na kasalanang moral at espiritwal na bumibiktima sa mga mahihirap at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

“On this day when we remember the painful shadows of Martial Law, we, the Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC) of the CMSP together with our mission partners, join the Filipino people in raising a prophetic voice of resistance and hope. We cannot remain silent in the face of systemic corruption that robs our nation of dignity and life. Corruption is not only a political issue but a deep moral and spiritual wound. It has stolen food from the poor, dimmed the light of our youth, and betrayed the common good. It mocks God’s commandment: “Thou shall not steal.”” Bahagi ng pahayag ng CMSP–JPICC.

Giit ng CMSP–JPICC, dapat tutulan at kondenahin ang anumang uri at antas ng katiwalian kung saan walang sinuman o gaano man kataas ang posisyon o katayuan sa lipunan ang dapat na palagpasin sa kanilang pananagutan.

“We affirm: corruption, in all its forms and at every level, must be rejected and confronted. No position of power, no office, and no title can justify or excuse dishonest practices. No one should be exempted; no one should be excluded from the demand for accountability and truth.” Dagdag pa ng CMSP–JPICC.

Bilang pakikiisa, aktibong nakibahagi ang CMSP–JPICC sa mga ginanap na iba’t ibang pagkilos para sa Araw ng Pambansang Protesta at Pagkondena sa Katiwalian kabilang na: ang pagtitipon sa Manila Cathedral at martsa patungong Luneta; ang Bahain ang Luneta mobilization; ang Misa sa People Power Monument na pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban; ang Misa sa EDSA Shrine na pamumunuan ni Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo; at ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument.

Giit ng samahan, ang mga naganap na pagtitipon ay hindi lamang usaping politikal sa halip ay isang pananagutan moral na naayon din sa Ebanghelyo.

“Let it be clear: our gathering is not about politics, nor about partisan colors. It is a moral obligation and a Gospel imperative. As Church, we are compelled by faith and conscience to speak truth, to denounce sin, and to defend the dignity of every Filipino. Our voice belongs to no political party, but to the mission of Christ who came “that all may have life, and have it to the full” (John 10:10).” Ayon pa sa CMSP-JPICC.

Muli naman nanawagan ang CMSP-JPICC sa lahat ng Pilipino na magbago, isantabi ang kultura ng kasinungalingan, at sama-samang maglakbay bilang mga peregrino ng pag-asa para sa isang lipunang pinaghaharian ng katarungan at katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 48,746 total reads

 48,746 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 167,163 total reads

 167,163 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 252,532 total reads

 252,532 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 299,272 total reads

 299,272 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 347,139 total reads

 347,139 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 442,906 total reads

 442,906 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top