Hindi sapat ang pagsisisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 86,379 total reads

Mga Kapanalig, sapat ba ang pagsisisi upang matuldukan ang katiwalian sa bansa? 

Kahapon, libu-libo ang nakilahok sa mga protesta laban sa katiwalian sa flood control projects. Hindi lang pagsisisi ang panawagan nila.

Naging paksa ng debate noong isang linggo ang kontrobersyal na pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang social media page. Aniya, lahat daw tayo ay guilty sa paggawa ng mali gaya ng pagbili at pagbenta ng boto, pandaraya, pagsisinungaling, at pagnanakaw. Lahat daw tayo ay nagkakasala, pero ang mahalaga ay nagsisisi tayo. 

Maraming bumatikos sa pahayag na ito ng senador. Kulang daw ang pagsisisi lamang. Kahit ang kapatid ng senador at dating mayor ng Taguig City na si Lino Cayetano ay hindi sumang-ayon sa kanya. Ang mga ganitong pahayag daw ng mga trapo (o traditional politicians) ang nagtutulak sa taumbayan na magalit. Hindi siya naniniwalang likas sa mga Pilipino ang magnakaw, bumili ng boto, at magsinungaling. Lalo naman daw na hindi solusyon ang pagsisisi lamang. Nanawagan ang kapatid ni Senador Cayetano na huwag gawing normal ang katiwalian. Dapat daw natin itong labanan. 

Nag-react din si Senador Ping Lacson na bagong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsasagawa ng mga pagdinig kaugnay ng katiwalian sa mga flood control projects. Sabi ng senador, may mga kilala daw siyang mga opisyal ng pamahalaan na nagnakaw, nagsisi, nagnakaw ulit, at muling nagsisi. Paulit-ulit ang pagsisisi, paulit-ulit din naman ang pagnanakaw. Samantala, naghihirap ang taumbayan. 

Dahil sa mga batikos na natanggap, nilinaw ng opisina ni Senador Cayetano ang kanyang sinabi. Gusto lang daw bigyang-diin ng senador na mahalagang hakbang ang pagsisisi sa pagbabago. Gayumpaman, hindi raw dapat ito gawing “excuse” o palusot para gawing normal ang pagnanakaw. Dapat daw sundan ang pagsisisi ng pagpapanagot.  

“Huwag kang magnanakaw.” Paalala ito mula sa sampung utos ng Diyos na mababasa natin sa aklat ng Exodo. Ito ang utos na tahasang sinuway ng mga kontratista at kawani ng pamahalaang sangkot sa katiwalian sa mga flood control projects. Katulad ng sinasabi ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang katiwalian ay isang anyo ng pagnanakaw. Isa rin ito sa pinakamatitinding salot sa ating lipunan. Sinisira nito ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyong inaasahang itaguyod ang katotohanan, katarungan, at kaunlaran. 

Sa kaso ng mga maanomalyang flood control projects, nakita natin kung paanong naging structural sin ang pagnanakaw. Ibig sabihin, hindi lamang isa o iilan ang nagkasala. Nagkuntsabahan ang mga pinuno ng ahensiya ng pamahalaan at maraming pribadong tao para magkamkam ng pera. Alam din nating campaign donors ng mga matataas na opisyal na gobyerno ang mga kontratistang nakakuha ng maraming flood control projects. Napakalalim at napakalawak ng pagnanakaw! Sa tindi ng kapit nito sa ating mga institusyon, hindi sapat ang pagsisisi lamang. 

Mga Kapanalig, umaabot ng trilyong piso ang sinasabing ninakaw ng mga tiwaling kontratista at mga opisyal ng pamahalaan sa mga flood control projects. Kung ginamit ito nang wasto, maraming ari-arian ang naisalba mula sa baha, maraming araw ng klase ang nagamit sana para matuto ang mga bata, at maraming buhay sana ang nailigtas. Kung hindi naman napunta sa flood control projects, nagamit sana ang pera para mas maraming magsasaka at mangingisda ang nabigyan ng suporta, mas maraming maralitang tagalungsod ang napagkalooban ng pabahay, at maraming pasyenteng nakatanggap ng libreng gamot. Ang ninakaw na kaban ng bayan ay direktang pagnanakaw mula sa taumbayan.

Kaya kagaya ng sigaw sa mga protesta noong Linggo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, panagutin ang mga magnanakaw, isauli ang nianakaw nila sa kaban ng bayan, at ibigay ang nararapat sa taumbayan! Hindi sapat ang pagsisisi! 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 127,740 total reads

 127,740 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 161,069 total reads

 161,069 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 193,213 total reads

 193,213 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 259,276 total reads

 259,276 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 270,263 total reads

 270,263 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Nagmamahal, Judith

 127,741 total reads

 127,741 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 161,070 total reads

 161,070 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 193,214 total reads

 193,214 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 259,277 total reads

 259,277 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »
Scroll to Top