Military Bishops at Chaplains, hinimok ni Bishop Florencio na iwaksi ang “dehumanization”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,821 total views

Iginiit ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa idinaraos na Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference ang higit na pagpapahalaga sa buhay at pagwawaksi sa anumang uri ng “dehumanization.”

Ito pagninilay ni Bishop Florencio sa misang inialay para sa AMI 2025 Conference na ginanap sa Shrine of St. Thérèse of the Child Jesus sa Pasay City.

Hinikayat ni Bishop Florencio ang 47 international at 24-delegates na mga military Chaplains, Bishops, personnel at lay people sa ika-60 taong anibersaryo ng AMI na may temang “AMI @60 in the 2025 Jubilee Year: Strengthening Christian Values within the Armed Forces Worldwide through Biblical leadership, building bridges and increased resilience,”na lalu pang kalingain ang kapwa at isulong ang pagkakapatiran sa lipunan.

“So paano tayo nade-dehumanize ng ating enemies? Dahil tayo ay marupok, walang pasensya, walang pagpapatawad. Kailangan natin ng spirituality—at ang spirituality ay dapat nakaugat sa salita ng Diyos. Kung mayroon tayong malalim na pananampalataya, hindi natin masasabi na ang isang tao ay secondary o mas mababa kaysa sa atin,” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Bishop Florencio na sadyang pinili ang Shrine of St.Thérèse bilang lugar ng misa upang hilingin ang paggabay ng Santo sa buong pagdaraos ng AMI 2025.

“Minarapat kong andito kami dahil hihingi din kami ng intercession ng ating minamahal na Patrona, si Santa Teresita ng Batang Hesus. Ang mensahe ko ay simple: ang salita ng Diyos ay hindi lang dapat pakinggan kundi isabuhay. Katulad ni Ezra, tayo rin ay dapat maging tapat sa kautusan ng Diyos—ito ang mahalaga para sa AMI, lalo na sa mga military personnel at kanilang mga pamilya, upang malabanan ang dehumanization,” dagdag ng Obispo.

Ito ang ikatlong pagkakataon na idinaos ang AMI Conference sa Pilipinas—una noong 1997, ikalawa noong 2011, at ngayong 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,131 total views

 56,131 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,000 total views

 52,000 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,202 total views

 88,202 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,623 total views

 96,623 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,269 total views

 121,269 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top