Lahat ng simbahan sa Bicol Region, bukas na maging kanlungan ng mga apektado ng bagyong Opong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,615 total reads

Ipinag-utos ng mga diyosesis sa Bicol Region na buksan ang mga simbahan, kapilya, at iba pang pasilidad sa mga parokya upang magsilbing kanlungan ng mga pamilyang apektado ng binabantayang Severe Tropical Storm Opong.

Hinikayat ni Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon ang pagtanggap sa mga magsisilikas sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pasilidad sa mga parokya at ang pagkilos ng Parish Disaster Response Committees (PaDReCom) katuwang ang Diocesan Commission on Social Concerns at Social Action Center.

“Our churches are ready to welcome evacuees during Tropical Storm Opong, where facilities are safe,” ayon sa pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Samantala, nanawagan naman si Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo ng agarang pagkilos, kabilang ang pagbubukas ng parish halls, kapilya, at paaralan bilang evacuation centers kasabay ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Iginiit ni Bishop Dialogo ang kahalagahan ng kahandaan lalo’t inaasahang magla-landfall ang Bagyong Opong sa Sorsogon bukas.

Sa sirkular, hinikayat ng obispo ang lahat ng parokya, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Vicar Forane, na agad kumilos sa pangunguna ng Commission on Service at Caritas Sorsogon.

Nagbahagi rin ng mga panuntunan si Bishop Dialogo upang magsilbing gabay upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng simbahan para sa pagtugon at pagtulong.

“These guidelines are temporary measures in the absence of finalized diocesan [Disaster Risk Reduction] protocols… Let us assure our faithful that the Church is both a sanctuary and a service center in this time of trial,” ayon kay Bishop Dialogo.

Bukod sa pagbubukas ng mga parokya para sa mga magsisilikas, hinikayat ni Daet, Camarines Norte Bishop Herman Abcede ang mga mananampalataya na usalin ang Oratio Imperata para sa kaligtasan laban sa kalamidad.

“Let us transform this difficult moment into an opportunity for solidarity and faith. Together, let us be instruments of Christ’s mercy, serving and protecting His flock in times of trial,” saad ni Bishop Abcede.

Nanawagan din ang Diyosesis ng Virac, Catanduanes, sa pangunguna ni Bishop Luisito Occiano, sa sambayanang kristiyano para sa sama-samang pananalangin upang hilingin ang habag at kalinga ng Diyos sa gitna ng pangamba at pagsubok.

“Prayer is our most powerful weapon. In these uncertain times, it is crucial that we turn to God and implore His mercy and protection. Let us come together as one community of faith, united in purpose and spirit, to pray for deliverance from these calamities,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng Bagyong Opong ang lakas habang kumikilos patungong kanluran sa silangan hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang dadaan malapit o magla-landfall ang bagyo sa Northern Samar o hilagang bahagi ng Eastern Samar, bukas ng umaga, September 26, bago ito tumungo sa Bicol Region, partikular sa Sorsogon.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,714 total reads

 4,714 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,951 total reads

 58,951 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,742 total reads

 95,742 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,044 total reads

 128,044 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,698 total reads

 178,698 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,316 total reads

 240,316 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,678 total reads

 52,678 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top