Malawakang kilos-protesta laban sa katiwalian, ilulunsad sa Bonifacio Day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,589 total reads

Naniniwala ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na naging matagumpay ang naganap na Trillion Peso March na nagsilbing malawakang pagkilos para sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Ito ang ibinahagi sa Radyo Veritas ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) Vice President, Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria na siya ring secretary general ng CLCNT na nag-organisa ng pagkilos noong ika-21 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa Pari, kinakailangang patuloy na maging mapagbantay ng bawat isa lalo na sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa katiwalian sa flood control projects kung saan may ilan ng nakonsensya matapos na makita ang galit ng taumbayan sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.

“Nandun tayo sa vigilance kasi may effect yung protest natin nung September 21, 2025, maraming nagi-guilty nung nafeel nila yung galit ng mga tao kaya kahit yung mga ordinaryong utusan na nagdi-deliver ng mga basura (pera) ay kumakanta na kasi nakokonsensya sila, so yun na muna. Meanwhile while staying vigilant sinusubaybayan natin yung mangyayari daily sa investigation.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Tria sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Tria, matapos ang naganap na Trillion Peso March ay ilan pang mga pagkilos at gawain ang patuloy na pinagpaplanuhan at pinaghahandaan ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) upang patuloy na maipahayag ang paninindigan ng taumbayan laban sa sistematikong korapsyon sa bayan.

Kabilang sa ibinahagi ng Pari, ang plano ng CLCNT na susunod na malakawakang kilos protesta laban sa patuloy na katiwalian sa ika-30 ng Nobyembre, 2025 kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day, at ang planong paglalabas ng isang Manifesto kung saan nasasaad ang malinaw na panawagan ng taumbayan para sa pagbabalik ng ninakaw na pera ng bayan at pagpapataw ng kaukulang parusa partikular na ang pagkulong sa lahat ng sangkot sa korapsyon.

“May mga pinaplano tayong nationwide campaign and then preparing also for a major major na march or protest sa November 30, 2025 – that’s Bonifacio Day. May manifestong dina-draft para nakalagay dun malinaw sa lahat ng Pilipino ang demands natin especially ang pagsauli ng pera at ang pag-punish, pagkulong sa lahat ng sangkot sa corruption.” Dagdag pa ni Fr. Tria.

Muli namang nilinaw ng Pari na walang bahid politika ang aktibong paninindigan at kampanya ng CLCNT laban sa katiwalian sapagkat naaayon ito sa Ebanghelyo o Salita ng Diyos kung saan nasasaad ang ika-pitong utos ng Diyos na ‘Huwag kang magnanakaw’.

“Maganda na ang lead dito [sa mga pagkilos] ang lead ay hindi mga opposition na pulitiko, so nung ginawa natin yun [Trillion Peso March] ang lead convenor talaga ay mga faith leaders, ibig sabihin yung Gospel [Salita ng Diyos] ang nagtutulak sa atin upang mag-campaign tayo against corruption, so walang bahid na pulitika.” Ayon pa kay Fr. Tria.

Giit ng Pari, malaki ang pagkakaiba ng tinatawag na Gospel truth na isinusulong ng Simbahan na nakabatay sa Salita ng Diyos at ng political truth na piling katotohanang pumapabor lamang sa kapakanan ng mga pulitiko at hindi sa common good o makabubuti sa mas nakararami.

Paliwanag ni Fr. Tria, “Kasi kapag pulitika may tinatawag na political truth is always a relative truth, kung ano yung pabor sa mga pulitiko yun yung katotohanan, so iba yung political truth at iba yung Gospel truth kaya dito sa campaign na ito dapat ang behind the scene dito ay ‘Jesus is our Lord and Savior’ yun ang motivation natin.”

Batay sa tala ng CLCNT, umabot sa 70,000 mga nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument bukod pa sa mga lokal na pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption noong ika-21 ng Setyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,725 total reads

 16,725 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,590 total reads

 54,590 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,800 total reads

 72,800 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,129 total reads

 157,129 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,719 total reads

 193,719 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,029 total reads

 37,029 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top