Pansariling interes, nanaig sa pagpasa ng death penalty sa Kamara.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 340 total views

Hindi na ikinagulat ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care Executive Secretary Bro. Rudy Diamante ang pagkapasa sa 3rd and final reading ng House Bill 4727 o panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Lubos na ikinababahala ni Diamante ang pananaig ng pansarili at political interes ng mga mambabatas kaysa sa kanilang sinumpaang tungkulin sa taumbayan.

Iginiit ni Diamante na walang ‘substantial reason’ ang mga mambabatas na bumoto pabor sa pagbabalik ng Death Penalty sa halip ay sumusunod at nakikiisa lamang sa kagustuhan ng kanilang pinuno.

“Inaasahan naman natin ito na talagang ganyan, nakalulungkot na pinagsumikapan natin na mag-campaign para bomoto sila according to their conscience pero napaka-lakas ng puwersa ng interes. I think they passed the bill based on g personal interest, walang ‘substantial reason’ for restoring the death penalty”.pahayag ni Diamante sa panayam sa Radio Veritas.

Gayunpaman patuloy na umaasa ang Simbahang Katolika na mas maraming mga Senador ang tututol sa naturang panukalang batas na inaasahan ring magbabalik sa kultura ng kamatayan sa ating bansa.

Pagbabahagi ni Diamante, patuloy ang mga isinasagawang pakikipagpulong ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kasama ang ilan pang mga grupong tutol sa death penalty upang kumbinsihin ang mga Senador na bomoto batay sa kanilang konsensya at manindigan sa kasagraduhan ng buhay.

“Well kakausapin pa rin natin yung mga Senador isa-isa yan pupuntahan, tutal dalawamput’ apat lang naman yan so kakausapin parin natin sila at papaliwanagan”.pagtitiyak ni Diamante.

Patuloy namang hinihimok ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga Pilipino na manindigan sa buhay.

Read: http://www.veritas846.ph/license-to-kill/
(Reyn Letran/Newsteam)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 55,153 total views

 55,153 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 77,158 total views

 77,158 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 101,500 total views

 101,500 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 124,560 total views

 124,560 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 156,121 total views

 156,121 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top