Kinasangkapan ang kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 95,007 total reads

Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakaaalarma ang karahasang naganap sa Mendiola kasabay ng mga protesta kontra korapsyon noong Setyembre 21. 

Nabahiran tuloy ang mapayapang mga rally sa Luneta, People Power Monument, at EDSA Shrine. Ayon sa Manila Police District, nakasuot ng itim na damit at facemasks ang karamihan sa mga sangkot. Nagsunog sila sa ilalim ng isang 10-wheeler truck at isang motorsiklo. Nagbagsakan din ang mga Molotov cocktails. May mga placards at tarpaulin na sinilaban. Sa Recto Avenue naman, nilooban ang isang budget hotel. Parehong mga pulis at mga diumano’y raliyista ang nasugatan, at nakalulungkot, isang 15-anyos ang namatay sa gitna ng gulo matapos siyang masaksak.

Ikinalungkot at mariing kinundena ni Cardinal Ambo David, obispo ng Diosesis ng Kalookan at presidente ng CBCP, ang nangyaring karahasan sa Mendiola. Hinimok niya ang lahat na huwag magpadala sa galit at provocation. Binigyang-diin niya na “What is more important is our collective stand—firm yet peaceful—for accountability and honesty in government.”

Samantala, tinawag na “riot” ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) ang pangyayari sa Mendiola. Hindi raw iyon lehitimong kilos-protesta. Iginiit ng ahensyang planado ng isang organisadong grupo ang nangyari. Nagbayad daw ito ng mga kalahok upang maghasik ng gulo at subukang guluhin ang gobyerno. Ayon pa sa DILG, may mga batang mula sa Quiapo—kasimbata  ng 11 anyos—na nahikayat at binayaran ng ₱3,000 para sumama sa panggugulo.

Umabot sa 216 katao ang inaresto ng Manila Police District. Kabilang dito ang 67 na children in conflict with the law (o mga edad 15 hanggang 17) at 24 na children at risk (o edad 15 pababa). Pero ayon sa National Union of People’s Lawyers (o NUPL), ang mga pag-aresto ay ginawa nang walang warrant. Labag ang mga ito sa itinakdang panahon ng Revised Penal Code. Sinamahan pa ang mga pag-arestong ito ng mga kasong walang matibay at sapat na batayan.

Marami rin ang pumuna sa puwersang ginamit ng mga pulis. Overkill daw. Ayon pa sa NUPL, ang mga dinakip na menor de edad ay pinagkaitan ng sapat na pagkain at inumin, ikinulong sa maruruming lugar, at iniwang nakayapak. Hindi nilapatan ng paunang lunas ang kanilang mga sugat. Ang mga kapamilya nilang bumisita para maghatid ng pangangailangan ng mga inaresto nilang kaanak ay hindi pinayagang makalapit. Sa testimonya ng mga kabataang ikinulong, sinabi nilang sinaktan sila habang nasa kustodiya ng mga pulis.

Dapat bang managot ang mga kabataang ito sa kanilang naging kilos? Oo. Pero gaya ng sinumang nakagawa ng mali, sila ay dapat tratuhin nang makatao. Hindi sila dapat pagkaitan ng karapatang makita ang kanilang pamilya. May mga batayang karapatan silang dapat igalang at ipaglaban.

Itinuturo sa atin ng Catholic social teaching na Pacem in Terris na tungkulin ng lipunan at ng pamahalaan na tiyakin na pinoproteksyunan ang mga karapatan ng bawat isa. Ang proteksyong ito ay dapat na patas at tunay na makatarungan. Lalong higit na dapat pangalagaan ang karapatan ng mga batang kadalasan ay hindi naman lubos na nauunawaan ang kanilang ginagawa. Dahil mas madali silang pagsamantalahan, mas kailangan nila ng ibayong pag-iingat at paggabay.

Mga Kapanalig, ipinaaalala sa Kawikaan 31:8-9: “Ipagtanggol mo ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.” Anuman ang pinagmulan o naging karanasan ng mga menor de edad na nadawit sa karahasan sa Maynila, sila ay mga bata pa ring nararapat turuan at gabayan—hindi abusuhin. Sikapin dapat ng kinauukulan na hanapin at panagutin ang mga ginamit na kasangkapan ng karasahan ang mga kabataang ito.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,854 total reads

 75,854 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,697 total reads

 110,697 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,997 total reads

 145,997 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,266 total reads

 372,266 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,543 total reads

 261,543 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 75,855 total reads

 75,855 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,698 total reads

 110,698 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,998 total reads

 145,998 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,267 total reads

 372,267 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top