Kawalang pakialam ng taumbayan, isa sa dahilan ng laganap na kahirapan at katiwalian sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,708 total reads

Mariing binalaan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga mananampalataya laban sa kawalan ng pakialam na isa ring dahilan sa paglaganap ng kahirapan at katiwalian sa bansa.

Sa kaniyang homiliya para sa ika-26 Linggo ng Karaniwang Panahon ay binigyang-diin ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi gutom o sakit ang ikinamatay ni Lazaro sa Ebanghelyo kundi ang kawalan ng malasakit ng mayamang nasa tabi lamang niya.

Paliwanag ng Cardinal, ang kawalan ng malasakit ay hindi lamang isang panlipunang suliranin kundi isang kasalanang moral at espiritwal.

“Hindi lang tubig-ulan ang nagpapabaha sa ating bansa kundi korapsyon; at ang ugat ng korapsyon ay kawalan ng pakialam… Sa langit, para mabusog ka kailangan magpakain ka ng iba. Para lumigaya kailangang magpaligaya ng iba. Kaya paano ka liligaya kung sa lupa nabuhay ka para sa sarili lamang?” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Nanawagan naman si Cardinal David sa mga Pilipino na isabuhay ang malasakit at pagtulong sa kapwa bilang paraan upang mailigtas ang bayan mula sa kasalanan ng kawalang pakialam.

Pagbabahagi ng Cardinal, mahalagang suriin ng bawat mananampalataya ang kanilang sarili at isabuhay ang pagmamalasakit sa kapwa, bilang daan upang maiangat ang pagkatao at mailigtas ang bayan mula sa korapsyon at kahirapan.

Ayon kay Cardinal David, sa tuwing naaantig ang damdamin ng tao upang tumulong sa kapwa, higit na nakikinabang ang tumutulong kaysa tinutulungan sapagkat napupukaw nito ang kabutihan sa puso at malasakit sa kapwa na sukatan din ng tunay na pagkatao ng isang indibiwal.

“Minsan kapag naantig ang damdamin natin at tumulong tayo sa mga kapos-palad, akala natin sila ang ginawan natin ng pabor. Hindi po. Kapag naaantig tayo at natututong magmalasakit—sila ang tumutulong sa atin. Tayo ang tumatanggap ng pabor—nagigising ang kabutihan sa ating puso, natututo tayong maging makatao at magpakatao. Ang nag-aakalang siya’y tumulong ang siya palang natulungan.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Giit ng Cardinal, mahirap ang tunay na pagpapakatao lalo na kung mas inuuna pa ang pansariling interes at hindi ang nararamdaman o ang pinagdaraanan ng kapwa na maituturing na pagmumukhang tao ngunit ugaling hayop dahil sa kawalan ng pakialam.

Paliwanag ni Cardinal David, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng malasakit at pagdamay sa kapwa ay umuunlad ang pagkatao ng isang indibidwal at nagiging daan tungo sa isang makatao at makatarungang lipunan.

“Kasi dito sa mundo madali ang maging tao ngunit mahirap magpakatao. Pwedeng mukhang tao pero ugaling hayop kapag walang pakialam, kapag walang hinahabol kundi sariling kapakanan. Kapag nararamdaman na natin ang nararamdaman ng kapwa, noon pa lang umuunlad ang ating pagkatao.” Ayon pa kay Cardinal David.

Kabilang sa partikular na inihalimbawa ni Cardinal David ang kalagayan ng mga mahihirap sa kalakhang Maynila na nagtatrabaho ngunit hindi kayang makapagpatayo ng disente at sariling tahanan, makapagpaaral ng mga anak, o makapagpagamot sa tuwing may sakit, habang labis naman ang karangyaan ng iilan na nagtataglay ng milyon-milyong halaga ng sasakyan, alahas at ari-arian na nagmula sa mismong kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,977 total reads

 73,977 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,057 total reads

 109,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,357 total reads

 144,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,626 total reads

 370,626 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,985 total reads

 259,985 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top