Kinasangkapan ang kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 94,860 total views

Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakaaalarma ang karahasang naganap sa Mendiola kasabay ng mga protesta kontra korapsyon noong Setyembre 21. 

Nabahiran tuloy ang mapayapang mga rally sa Luneta, People Power Monument, at EDSA Shrine. Ayon sa Manila Police District, nakasuot ng itim na damit at facemasks ang karamihan sa mga sangkot. Nagsunog sila sa ilalim ng isang 10-wheeler truck at isang motorsiklo. Nagbagsakan din ang mga Molotov cocktails. May mga placards at tarpaulin na sinilaban. Sa Recto Avenue naman, nilooban ang isang budget hotel. Parehong mga pulis at mga diumano’y raliyista ang nasugatan, at nakalulungkot, isang 15-anyos ang namatay sa gitna ng gulo matapos siyang masaksak.

Ikinalungkot at mariing kinundena ni Cardinal Ambo David, obispo ng Diosesis ng Kalookan at presidente ng CBCP, ang nangyaring karahasan sa Mendiola. Hinimok niya ang lahat na huwag magpadala sa galit at provocation. Binigyang-diin niya na “What is more important is our collective stand—firm yet peaceful—for accountability and honesty in government.

Samantala, tinawag na “riot” ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) ang pangyayari sa Mendiola. Hindi raw iyon lehitimong kilos-protesta. Iginiit ng ahensyang planado ng isang organisadong grupo ang nangyari. Nagbayad daw ito ng mga kalahok upang maghasik ng gulo at subukang guluhin ang gobyerno. Ayon pa sa DILG, may mga batang mula sa Quiapo—kasimbata  ng 11 anyos—na nahikayat at binayaran ng ₱3,000 para sumama sa panggugulo.

Umabot sa 216 katao ang inaresto ng Manila Police District. Kabilang dito ang 67 na children in conflict with the law (o mga edad 15 hanggang 17) at 24 na children at risk (o edad 15 pababa). Pero ayon sa National Union of People’s Lawyers (o NUPL), ang mga pag-aresto ay ginawa nang walang warrant. Labag ang mga ito sa itinakdang panahon ng Revised Penal Code. Sinamahan pa ang mga pag-arestong ito ng mga kasong walang matibay at sapat na batayan.

Marami rin ang pumuna sa puwersang ginamit ng mga pulis. Overkill daw. Ayon pa sa NUPL, ang mga dinakip na menor de edad ay pinagkaitan ng sapat na pagkain at inumin, ikinulong sa maruruming lugar, at iniwang nakayapak. Hindi nilapatan ng paunang lunas ang kanilang mga sugat. Ang mga kapamilya nilang bumisita para maghatid ng pangangailangan ng mga inaresto nilang kaanak ay hindi pinayagang makalapit. Sa testimonya ng mga kabataang ikinulong, sinabi nilang sinaktan sila habang nasa kustodiya ng mga pulis.

Dapat bang managot ang mga kabataang ito sa kanilang naging kilos? Oo. Pero gaya ng sinumang nakagawa ng mali, sila ay dapat tratuhin nang makatao. Hindi sila dapat pagkaitan ng karapatang makita ang kanilang pamilya. May mga batayang karapatan silang dapat igalang at ipaglaban.

Itinuturo sa atin ng Catholic social teaching na Pacem in Terris na tungkulin ng lipunan at ng pamahalaan na tiyakin na pinoproteksyunan ang mga karapatan ng bawat isa. Ang proteksyong ito ay dapat na patas at tunay na makatarungan. Lalong higit na dapat pangalagaan ang karapatan ng mga batang kadalasan ay hindi naman lubos na nauunawaan ang kanilang ginagawa. Dahil mas madali silang pagsamantalahan, mas kailangan nila ng ibayong pag-iingat at paggabay.

Mga Kapanalig, ipinaaalala sa Kawikaan 31:8-9: “Ipagtanggol mo ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.” Anuman ang pinagmulan o naging karanasan ng mga menor de edad na nadawit sa karahasan sa Maynila, sila ay mga bata pa ring nararapat turuan at gabayan—hindi abusuhin. Sikapin dapat ng kinauukulan na hanapin at panagutin ang mga ginamit na kasangkapan ng karasahan ang mga kabataang ito.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 48,327 total views

 48,327 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 70,332 total views

 70,332 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 94,674 total views

 94,674 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 117,850 total views

 117,850 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 149,982 total views

 149,982 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 48,328 total views

 48,328 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 70,333 total views

 70,333 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 94,675 total views

 94,675 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 117,851 total views

 117,851 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »
Scroll to Top