Kabutihan at kaligtasan ng mga mamamahayag, ipinagdarasal ng pangulo ng Radyo Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,186 total views

Ipinanalangin ni Radyo Veritas President at National Shrine of Sacred Heart of Jesus Team Ministry Member Father Roy Bellen ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamahayag.

Dalangin ng pari ang maayos at ligtas na pagganap ng mga mamamahayag sa kanilang trabaho sa pagdiriwang ng World News Day na ginugunita tuwing September 28 sa buong mundo

Sa kapistahan ng mga Arkanghel ngayon araw, hiniling ng Pari sa panginoon na gabayan ang mga mamamahayag at panatilihin silang ligtas tuwing nasa trabaho.
Ipinaalala naman ng Pari sa mga mamamahayag na huwag kalimutang magdasal at humugot ng lakas sa panginoon.

“Ipinapanalangin ko ang kaligtasan niyo at nawa sa kabila po ng paglaganap ng mga hindi magandang balita, hindi magandang karanasan, tayo po ay humugot ng lakas sa ating Panginoon, sapagkat ang Panginoon po ay ang bukal ng lahat ng katotohanan at gayundin po ang bukal ng proteksyon para sa atin, kaya ang akin lang pong paalala sa ating mga mamamahayag, huwag kayong makakalimot magdasal, manalangin po tayo dahil ang atin pong kaligtasan ay sa pamamagitan po ng atin Panginooon, at gayundin po sa mga anghel na kaniyang isinusugo para tayo ay gabayan at proteksyunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Bukod sa mga mamamahayag, hinimok din ni Fr.Bellen ang mga Pilipino na mag-ingat sa pagbabahagi ng impormasyon sa kapwa lalu na sa social media platforms na pagsisimulan ng hindi pagkakaunawaan at pagkawatak-watak.

Umaasa ang pari na magiging responsable ang lahat sa pagbabahagi ng iba’t-ibang impormasyon partikular na ang fake news.

“Ang bawat isa po sa atin ay inaasahan na makapagbahagi ng balita, ng mabuting balita, ng totoong balita, at ng tamang balita. Kaya ‘yung pag-share at pagpapakalat ng fake news, ingat po tayo diyan. Baka imbes na tayo ay nakakatulong upang magabayan ang tao na makapag-decide ng tama, ay lalo pang mapahamak po dahil mali ang nasagap na balita na sa atin mismo nanggagaling at atin pong ibinabahagi, kaya ngayong mga panahon na ito, ang bawat taong may social media—whether you like it or not—kayo din po ay tagapagpakalat ng balita. Ang tanong lang po, ito ba ay tamang balita o fake news? Kaya maging mapanuri po tayong lahat. Muli, sa ating lahat, ‘yun po ang nais ipaalala: ang bawat isa sa atin ay tagapaghatid po ng balita,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Bellen.

Taong 2017 nang simulan ng World Editors Forum ng World Association of News Publishers katuwang sina David Walmsley, Editor-in-Chief ng The Globe and Mail sa Canada at ang Canadian Journalism Foundation (CJF) ang World News Day na layuning ipakita ang kahalagahan ng matatag na pamamahayag at kung paano nakatutulong sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit sa 500 newsroom mula sa iba’t ibang bansa ang nakibahagi sa World News day na nagsusulong ng matapat na pamamahayag, katotohanan, kasaysayan at matatag na lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,067 total views

 76,067 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,681 total views

 150,681 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,760 total views

 230,760 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,899 total views

 273,899 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,316 total views

 270,316 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 107 total views

 107 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top