National Day of Prayer and Public Repentance, isasagawa ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,585 total views

Nanawagan si Virac Bishop Luisito Occiano sa lahat ng mga pari, relihiyoso, at layko sa Diyosesis ng Virac na makiisa sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa National Day of Prayer and Public Repentance.

Ito ang bahagi ng inilabas na sirkular ni Bishop Occiano na tugon sa panawagan ng CBCP noong Oktubre 7, 2025 kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay ipagdiriwang ng Diyosesis ng Virac ang National Day of Prayer and Public Repentance sa Linggo, ika-12 ng Oktubre 2025, bilang tanda ng pagkakaisa sa panalangin at pagsisisi para sa kagalingan ng bansa.

Ayon sa Obispo, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya sa nasabing araw na makiisa sa pananalangin at paghingi ng awa ng Panginoon para sa pagkakaroon ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa bansa.

“The Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has called on all dioceses to observe a National Day of Prayer and Public Repentance last October 7. As one Diocese, I enjoin everyone to announce to our faithful our solidarity with our cry for healing in our country that will happen on Sunday, October 12, 2025. This day invites all the faithful to seek God’s mercy for our nation and renew our commitment to truth, justice, and peace,” Bahagi ng sirkular ni Bishop Occiano.

Bilang konkretong tugon, hinikayat ng Obispo ang lahat ng parokya, mission station, relihiyosong komunidad, at mga Katoliko institusyon sa buong Diyosesis na makibahagi sa gawain sa pamamagitan ng Paglalagay ng mga streamer o banner sa harap ng mga simbahan at institusyon na may mensaheng: “National Day of Prayer and Public Repentance – Lord, Heal Our Land (October 12, 2025) NO TO CORRUPTION.”; Pagsasagawa ng Holy Hour para sa pagsisisi at pagbabayad-puri, bago o pagkatapos ng pangunahing Misa tuwing Linggo; at Pagdarasal ng Prayer for National Repentance bilang bahagi ng Prayer of the Faithful o pagkatapos ng Komunyon sa lahat ng Misa hanggang sa Solemnity of Christ the King.

Paliwanag ni Bishop Occiano, ang pagkakaisa ng Simbahan sa pananalangin ay mahalagang hakbang sa paghiling ng awa ng Diyos para sa sambayanan at sa pagbabagong inaasam ng bayan.

“Let us unite our hearts as one Church, humbly seeking God’s forgiveness and mercy for ourselves and our nation. May our collective prayer bring renewal and hope to our land,” Dagdag pa ni Bishop Occiano.

Layunin ng panawagan ng CBCP na pukawin ang pagkakaisa ng Simbahang Katolika at mga Katoliko sa buong bansa upang muling pagtibayin ang pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos ng katotohanan at habag sa gitna ng mga suliraning kinahaharap ng pamahalaan, partikular na ang katiwalian at kawalan ng katarungan.

Simula sa ika-7 ng Oktubre, 2025 ay ipinag-utos ng CBCP na dasalin sa mga Simbahan ang natatanging panalangin na may titulong “A National Cry for Mercy and Renewal,” na ipagpapatuloy tuwing araw ng Linggo hanggang sa Kapistahan ng Kristong Hari sa Nobyembre 23, 2025.

Pagbabahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang gawaing ay bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality, na sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos, habang patuloy na ginagabayan ng Espiritu Santo upang magkaroon ng patuloy na pag-asa ang bawat isa.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 14,311 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 14,416 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 79,763 total views

 79,763 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 149,158 total views

 149,158 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 180,442 total views

 180,442 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 212,455 total views

 212,455 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 360,519 total views

 360,519 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 8,262 total views

 8,262 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top