CMSP, mag-aalay ng Misa ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,447 total reads

Muling mag-alay ng Misa ng Bayan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) upang ipanalangin ang patuloy at ganap na pagkamit ng kapayapaan at katarungan sa bansa.

Nakatakda ang susunod na Misa ng Bayan sa ika-24 ng Oktubre, 2025 ganap na alas-singko ng hapon sa Saint Anthony de Padua Shrine, 254 Manrique St., Sampaloc, Manila.

Ilalaan ang Misa ng Bayan ngayong buwan para sa Lupa, Pagkain, at Hustisya laban sa Malawakang Korapsyon na patuloy na nagaganap sa bansa.

Bilang nag-iisang komunidad sa pananampalataya ay inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang bawat mananampalataya na makibahagi sa sama-samang pananalangin at paninindigan para sa katotohanan, katarungan at katapatan upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay maipagtanggol at maisulong ang dignidad at kapakanan ng mga naaapi at nangangailangan sa lipunan.

“Inaanyayahan ang lahat ngayong Oktubre 24, 2025 (Biyernes) sa ganap na 5:00 PM sa isang Misa para sa Lupa, Pagkain, at Hustisya laban sa Malawakang Korapsyon sa Saint Anthony de Padua Shrine, 254 Manrique St., Sampaloc, Manila. Sama-sama tayong manalangin at manindigan para sa katotohanan, katarungan, at katapatan. Nawa’y maging gabay ang ating pananampalataya sa pagtatanggol sa mga naaapi at nangangailangan.” Bahagi ng paanyaya ng CMSP.

Inaanyayahan rin ang lahat na magdala ng kandila bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa pagbabago sa bayan.

Una ng binigyang diin ng CMSP-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) na ang usapin ng katiwalian sa kaban ng bayan ay hindi lamang usaping politikal sa halip ay isang malalim na kasalanang moral at espiritwal na bumibiktima sa mga mahihirap at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan kaya naman maituturing na isang pananagutan moral na naayon din sa Ebanghelyo ang paninindigan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Pagbabahagi ng CMSP, layunin ng pagsasagawa ng mga serye ng Misa ng Bayan na ipagpatuloy ang pananalangin at paninindigan laban sa katiwalian sa lipunan na isa ring paraan upang isulong ang nasimulang adhikain noong ika-21 ng Setyembre, 2025 sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin para sa bansa lalo na ngayong ginugunita ng Simbahan ang Jubilee Year of Hope.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,872 total reads

 73,872 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,954 total reads

 108,954 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,254 total reads

 144,254 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,523 total reads

 370,523 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,888 total reads

 259,888 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top