Pope Leo XIV sa kanyang ‘Dilexi Te’: Kilalanin si Kristo sa mga mahihirap at nagdurusa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 335,382 total reads

Hinikayat ni Kaniyang Kabanalan Pope Leo XIV ang lahat ng mananampalataya na makita at makilala si Hesus sa mukha ng mga mahihirap at mga nagdurusa.

“On the wounded faces of the poor, we see the suffering of the innocent and, therefore, the suffering of Christ Himself” (9),” ayon pa sa dokumento.

Ito ang pangunahing mensahe ng kauna-unahang apostolic exhortation ng Santo Papa na pinamagatang “Dilexi Te” o “I Have Loved You.” Ang dokumentong ito ay hango sa apostolic exhortation ni Pope Francis na “Dilexit Nos,” na nagbigay-diin naman sa mas malalim na debosyon sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

Ayon kay Pope Leo XIV, ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maihihiwalay sa pag-ibig sa kapwa, lalo na sa mga maralita, sapagkat ang Panginoon ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng kanilang paghihirap.

Binigyang-diin ng Santo Papa na ang mga mahihirap ay hindi lamang mga tumatanggap ng awa kundi mga “tagapagdala ng Ebanghelyo,” dahil sa kanilang halimbawa ng pagtitiwala at pag-asa sa Diyos kahit sa gitna ng kahinaan.

Dagdag pa ng pinunung pastol, ang mga maralita ay maituturing ding tahimik na guro sapagkat kanilang naipapakita ang tunay na kahulugan ng kababaang-loob at pananampalataya.

Itinampok din ni Pope Leo XIV sa kanyang dokumento ang mga matatanda, na aniya’y paalala sa lahat ng ating kahinaan at limitasyon bilang tao, at paanyaya sa mas malalim na pag-unawa at pagkalinga.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang “Dilexi Te” ay nakaugat sa turo ng Simbahan tungkol sa mga mahihirap — mula pa sa lumang at bagong tipan hanggang sa pamumuhay ng mga unang Kristiyanong pamayanan.

“The dignity of every human person must be respected today, not tomorrow” (92).”

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang bawat hakbang ng pagbabago sa loob ng Simbahan ay dapat isagawa para sa kapakanan ng mga mahihirap, sapagkat sila ang buhay na tanda ng pagmamahal ni Kristo sa mundo.

Via Marian Navales- Pulgo and Kenneth Corbilla

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 28,903 total reads

 28,903 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 109,716 total reads

 109,716 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 143,164 total reads

 143,164 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 178,463 total reads

 178,463 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 403,901 total reads

 403,901 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 296,281 total reads

 296,281 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 407,827 total reads

 407,827 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top