Nuestra Señora del Pilar de Manila, muling iniluklok sa Altar Mayor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,758 total views

Matapos ang mahigit isang siglo na nakaluklok sa side altar ng dambana, muling iniluklok sa Altar Mayor ng Basilica Minore de Nuestra Señora del Pilar sa Sta. Cruz, Maynila ang makasaysayang imahe ng Nuestra Señora del Pilar de Manila.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang solemn enthronement bilang bahagi ng paghahanda para sa kapistahan ng patrona sa darating na Oktubre 19.
Sa kanyang homiliya, pinaalalahanan ng kardinal ang mananampalataya na tulad ng Mahal na Birheng Maria, dapat na patuloy maglakbay tungo kay Hesus — ang pag-asa ng sanlibutan.

“Mary assures us that hope never disappoints because Jesus is our hope. No power can triumph over the power of God. Goodness always prevails and love always has the final word,” ani Cardinal Advincula sa kanyang pagninilay.

Binigyang-diin ng arsobispo na itinuturo ng Mahal na Ina na nagkakaroon lamang ng tunay na kahulugan ang buhay ng tao kapag ito’y lubos na ipinagkakatiwala sa Panginoon.
Dagdag pa ni Cardinal Advincula, sa pagtulong, paglilingkod, at pagbabahagi ng kabutihan sa kapwa, naipaparamdam ng tao ang presensya ni Hesus na nagbibigay pag-asa sa mga pinanghihinaan ng loob.

Gayunman, kinilala ng kardinal na hindi madaling kumapit sa pag-asa lalo na sa gitna ng mga krisis, tulad ng mga kalamidad at sakunang dulot ng bagyo at lindol.
Gayunpaman, ipinakita ng Mahal na Birheng Maria ang halimbawa ng matatag na pananampalataya.

“Mary stood at the foot of the cross before her bleeding and suffering son. There she encountered God, who sustained her with strength and hope,” pahayag ng kardinal.

Pinaalalahanan din ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na si Maria ang Ina ng Diyos at ng Simbahan, at nararapat na gawing huwaran ang kanyang kababaang-loob, pananampalataya, at matatag na pag-asa.

“Let us listen to her wisdom and follow her example so that our celebration of this Jubilee of Hope may be deep and meaningful,” dagdag pa ng arsobispo.

Ang muling enthronement ng Nuestra Señora del Pilar de Manila ay itinuturing na makasaysayang pangyayari para sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, sa Santa Cruz, Maynila, dahil ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang daang taon na nasilayan muli ng publiko ang imahe ng patrona.

Ang seremonya ay bahagi rin ng Jubilee of Hope, na layong palalimin ang pananampalataya at pag-asa ng mga mananampalataya sa gitna ng mga hamon ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 12,604 total views

 12,604 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 63,288 total views

 63,288 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 69,417 total views

 69,417 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 99,112 total views

 99,112 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 117,441 total views

 117,441 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top