Pagdarasal nagbubunga ng tagumpay-Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,409 total reads

Hinimok ni Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin ng Santo Rosaryo bilang sandigan ng pananampalataya at tagumpay sa gitna ng mga pagsubok.

Sa kanyang pastoral visit sa Barangay Simbayanan program ng Radyo Veritas, ipinaalala ng nuncio na ang Rosaryo ay sagisag ng katapatan at pananalig na nagdadala ng tagumpay sa bawat hamon ng buhay.

“The Rosary is a powerful prayer… The feast of the Holy Rosary was born out of gratitude — it reminds us that prayer can bring victory, even in the darkest times,” ayon kay Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang kapistahan ng Santo Rosaryo ay itinatag ni Pope Pius V noong 1571 matapos ang Labanan sa Lepanto, bilang pasasalamat sa tagumpay ng mga Kristiyano na iniuugnay sa sama-samang pagdarasal ng Rosaryo.

Dagdag ng nuncio, patuloy na nananawagan ang mga Santo Papa sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, lalo na sa buwan ng Oktubre na itinalagang Month of the Holy Rosary ng Simbahan.

Binigyang-diin din ni Archbishop Brown na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang mabuting paraan upang manatiling malapit sa Diyos sa gitna ng abalang buhay ng mga tao.

“I encourage everyone to pray the rosary, even with Manila traffic, we can always find time to pray the Rosary — a jeepney ride is enough time to draw closer to God,” ani ng nuncio.

Pinuri rin ng kinatawan ng Santo Papa ang isinagawang rosary rally ng Diocese of Bacolod sa pangunguna ni Bishop Patricio Buzon, na naglalayong ipanalangin ang pagtatapos ng katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan.

“I think the Diocese of Bacolod was praying the rosary to rally against corruption, which is a worthy thing to do. Praying for peace and an end to corruption is something we can all do — not only through prayer, but also through action,” dagdag ni Archbishop Brown.

Ibinahagi rin ng nuncio ang kanyang personal na karanasan sa kapangyarihan ng Santo Rosaryo, na aniya’y nagpatibay sa kanyang bokasyon tungo sa pagpapari.

“The Rosary reminds us that prayer is not just repetition — it is meditation, reflection, and conversation with God,” paliwanag ni Archbishop Brown.

Bilang pagtatapos, hinimok ni Archbishop Brown ang mga Pilipinong Katoliko na gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo — isang sandata ng pananampalataya na nagbubuklod sa sambayanan, nagpapatatag sa pananalig, at nagbubunga ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,911 total reads

 73,911 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,993 total reads

 108,993 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,293 total reads

 144,293 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,562 total reads

 370,562 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,924 total reads

 259,924 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top