Papal Nuncio to the Philippines, sisikaping mapunan ang 5-sede vacante na diyosesis sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,052 total reads

Humiling ng panalangin si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown para sa pagkakaroon ng mga karagdagang pastol sa mga sede vacante na diyosesis sa bansa.

Sa kanyang pastoral visit on the air sa Barangay Simbayanan program ng Radyo Veritas, ibinahagi ng nuncio na hindi madali ang pagpili ng magiging obispo sapagkat dadaan ito sa masusing pag-aaral at proseso sa Vatican.

Ipinaliwanag ng nuncio na bilang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, tungkulin nitong magsumite ng listahan ng mga pari sa Dicastery for Bishops upang pag-aralan at pagpasyahan ng Santo Papa.
“A bishop is someone who has the faith, who has lived a good life as a priest, who is a man of prayer, and who also has the ability to administer and govern a diocese,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng nuncio na hindi madali ang tungkulin ng isang obispo dahil kaakibat nito ang malaking responsibilidad sa pamamahala at pagpapastol sa mga nasasakupan.

“To be a bishop today is basically to receive the crown of thorns. In many parts of the world, to be a bishop is simply to accept the cross and go forward,” dagdag ni Archbishop Brown.

Ipinahayag din ng Papal Nuncio na kasalukuyan niyang pinagsusumikapang mapunan ang mga bakanteng diyosesis sa bansa at humiling ng panalangin para sa paggabay ng Espiritu Santo sa pagpili ng mga karagdagang pastol.

“We have five vacant dioceses, so we’ll have more appointments before Christmas,” ayon kay Archbishop Brown.

Sa kasalukuyan, sede vacante ang mga diyosesis ng Kalibo, San Jose, Nueva Ecija, at Tagbilaran, gayundin ang apostolic vicariate ng Tabuk.

Magiging sede vacante naman ang apostolic vicariate of Jolo kung pormal nang maluklok si Archbishop Charlie Inzon sa Archdiocese of Cotabato.

Bukod dito, ilan sa mga obispo ay inaasahang magreretiro sa pag-abot ng 75 taong gulang — ang mandatory retirement age para sa mga obispo — kabilang sina Bacolod Bishop Patricio Buzon at Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta.

Si Bishop elect Edwin Panergo ay hinihintay na lamang ang kanyang episcopal ordination at installation sa Diocese of Boac, Marinduque na sede vacante mula pa noong 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,103 total reads

 16,103 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,094 total reads

 54,094 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,304 total reads

 72,304 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 156,633 total reads

 156,633 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,247 total reads

 193,247 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,109 total reads

 2,109 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top