Pagkilos para sa indigenous peoples, apela ng simbahan sa mga Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,497 total views

Nanawagan si Fr. Edwin Gariguez, kura paroko ng Good Shepherd Parish sa Victoria, Oriental Mindoro at Social Action Director ng Apostolic Vicariate of Calapan, ng pagkakaisa at pagkilos para sa kapakanan ng mga katutubong Pilipino sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Sunday.

Mula sa lalawigan ng Mindoro, ang lupain ng mga katutubong Mangyan, ipinahayag ni Fr. Gariguez ang pakikiisa ng Simbahan sa mga katutubo at ang panawagan na patuloy na itaguyod ang kanilang mga karapatan.

Tinukoy ng pari ang kahalagahan ng pagtatanggol sa karapatan ng mga Mangyan sa kanilang lupaing ninuno, na itinuturing na salalayang buhay o pinagmumulan ng pagkatao, pagkakakilanlan, at kabuhayan.

Nawa ang pagdiriwang na ito ay maging patuloy na hamon para sa ating simbahan, para sa ating bayan, upang patuloy na makilakbay sa buhay ng mga kapatid nating katutubo lalo’t higit sa patuloy nating pagsisikap na maisulong ang kanilang karapatan lalo’t higit sa lupaing ninuno na kanilang salalayang buhay,” pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Fr. Gariguez na ang diwa ng pagdiriwang ay dapat magbunsod ng pagkilos upang makamit ng mga katutubo ang tunay na kaginhawahan, dignidad, at katarungan.

Ginugunita ang Indigenous Peoples Sunday tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre bilang pagkilala sa ambag, kultura, at karapatan ng mga katutubong pamayanan sa bansa.

Kaisa po tayo sa pagsusulong ng karapatan at ng tunay na kaginhawahan ng buhay para sa mga katutubong Pilipino,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, tinatayang mahigit 195,000 ang mga Mangyan sa buong isla ng Mindoro, na binubuo ng pitong pangunahing pangkat–ang Iraya, Alangan, Tau-buid, Tadyawan, Bangon, Buhid, at Hanunoo, habang sa pinakatimog na bahagi ng isla ay matatagpuan ang Ratagnon, na kilalang may halong lahi sa mga kalapit na Bisaya o Cuyonon.

Nananatiling hamon para sa mga Mangyan ang pagkuha ng titulo para sa tinatayang 40,000 ektaryang lupaing ninuno sa buong isla ng Mindoro, dahil marami pa sa mga pangkat nito ang nasa proseso pa lamang ng aplikasyon para sa kani-kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT).

Magugunita noong 2010 ay ginawaran ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng CADT ang mga pangkat ng Hanunoo, Gubatnon, at Ratagnon, habang noong 2022 nama’y natanggap ng mga Tadyawan at Tau-buid ang kanilang CADT, ang kauna-unahang mga katutubong pamayanan sa Oriental Mindoro na nakatanggap ng ganitong pagkilala mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,618 total views

 30,618 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 58,969 total views

 58,969 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,699 total views

 126,699 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,850 total views

 149,850 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,790 total views

 217,790 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top