Indigenous peoples,mayroong “sound theology” kaysa mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,953 total reads

Binigyang-diin ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na bago pa man dumating ang mga panlabas na impluwensiya, matagal nang isinasabuhay ng mga katutubo ang mga turo ng Panginoong Hesus, lalo na ang diwa ng paglilingkod.

Inihalintulad ng obispo ang buhay ng mga katutubo sa halimbawa ni Kristo na “hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.”

Ang pahayag ay bahagi ng pagninilay ni Bishop Dimoc, na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), sa Banal na Misa na pinangunahan ni Calapan Bishop Moises Cuevas sa Sto. Niño Parish, Roxas, Oriental Mindoro, bilang pagtanggap sa mga delegado ng Lakad-Padyak para sa Katutubo at Kalikasan na nagsimula pa sa Boracay island sa Aklan.

“Our Lord Jesus Christ said that He came not to be served, but to serve… He served, and this is the life of the indigenous peoples. Bago pa ‘yung impluwensya sa labas na masama, ay isinabuhay na ng mga katutubo ang paglilingkod,” ayon kay Bishop Dimoc.

Binigyan diin ng obispo na mayroong “sound theology” ang mga katutubo sapagkat hindi nila ginagamit ang Diyos upang makapanakit o gumawa ng masama sa kapwa.

Iginiit ni Bishop Dimoc na hindi katulad ng mga corrupt na lider ng bansa ay ipinapakita ng mga katutubo nila ang pananampalataya hindi lamang sa salita kundi sa gawa—sa pagtutulungan, paggalang sa buhay, at pangangalaga sa kalikasan.

“Because God is good, God demands they should also be good. Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito,” saad ng obispo.

Ibinahagi rin ni Bishop Dimoc, na isang katutubong Ifugao, ang pagiging payak ng pamumuhay ng mga katutubo, na mahalagang paalala sa makabagong panahon kung saan unti-unting nawawala ang ganitong asal dahil sa mapaminsalang impluwensya ng materyalismo at labis na pagnanais sa kaginhawahan.

Iginiit ng obispo na ang ganitong uri ng pamumuhay ay dapat tularan ng lipunan ngayon sapagkat sa pagiging simple natatagpuan ang tunay na kalayaan, kalusugan, at kapayapaan ng puso.

“Kailangang ma-highlight ang buhay at kultura ng mga katutubo. Nandoon ang salita ng Diyos—hindi lang ito binabasa kundi isinasabuhay. It is already applied and visible in their way of life,” ayon kay Bishop Dimoc.

Ayon sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), tinatayang nasa 17 milyon ang bilang ng mga katutubo sa Pilipinas na binubuo ng mahigit 110 ethnolinguistic groups.

Sa kabila ng mahalagang ambag sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino, patuloy pa ring humaharap ang mga katutubo sa iba’t ibang hamon tulad ng pang-aagaw ng lupaing ninuno, pagmimina, militarisasyon, diskriminasyon, at kakulangan sa maayos na edukasyon at serbisyong panlipunan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,818 total reads

 82,818 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 117,101 total reads

 117,101 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,400 total reads

 152,400 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,670 total reads

 378,670 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,661 total reads

 267,661 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,274 total reads

 155,274 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top