Radio Veritas Priest anchor, kinilala ni Archbishop Villegas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,835 total reads

Inalala at pinarangalan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang yumaong Healing Touch anchor na si Fr. Benjamin Deogracias “Benjo” Fajota, sa kanyang tapat at masigasig na paglilingkod bilang pari.

Sa homiliya ng arsobispo sa funeral mass ni Fr. Fajota, inilarawan niya ang yumaong pari bilang isang tinig ng kababaang-loob at pananampalataya na naghatid ng pag-asa sa marami.

“That mellow Benjo voice is now quiet. Subalit, that mellow Benjo voice will forever be rewarded by the Lord because the Lord cannot be outdone in generosity,” ayon kay Archbishop Villegas.

Dagdag pa ng arsobispo, ang tinig na iyon ay hindi lamang nagmula kay Fr. Benjo kundi sa mismong tinig ni Hesus na kanyang sinundan sa buong buhay bilang pari.

“Sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo, sa pamamagitan ng kanyang pangangaral, narinig natin ang tinig ng Diyos. Narinig natin ang mabuting balita. Narinig natin na tayong lahat ay mahal ng Diyos,” pahayag ni Archbishop Villegas.

Ibinahagi rin ni Archbishop Villegas ang mga katangiang bumubuo sa pagkatao ng pari — mahigpit ngunit mapagkumbaba. Ipinaliwanag niya na ang pagiging istrikto ni Fr. Benjo ay hindi bunga ng kayabangan kundi ng pagkilala sa sariling kahinaan.

“He was a humble man. He was a strict man because he knew that he was weak. And knowing his weakness, he always clung to the Lord for mercy, for forgiveness, for compassion, for a new beginning, for a new hope all the time. Let the humility of this priest remind us that humility is the crown of all virtues,” dagdag pa ng arsobispo.

Si Fr. Fajota ay naordinahang pari noong 2006 at naglingkod sa iba’t ibang parokya at tanggapan ng Archdiocese of Manila. Kilala rin siya bilang isa sa mga anchor priest ng Healing Touch sa Veritas Friday Edition at regular na tagapagdiwang ng Healing Masses sa Radyo Veritas.

Pumanaw si Fr. Fajota noong Oktubre 9, 2025 dahil sa karamdaman. Isinagawa ang kanyang funeral mass noong Oktubre 14 sa San Roque de Manila Parish — ang huling parokyang kanyang pinagsilbihan bago siya pumanaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,582 total reads

 47,582 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,343 total reads

 127,343 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,790 total reads

 160,790 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,088 total reads

 196,088 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,790 total reads

 420,790 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top