Ipinasang death penalty bill, nakahihiya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 331 total views

Manila, Philippines– Hindi makatao at nakahihiya ang naging desisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpasa ng death penalty bill ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng C-B-C-P Permanent Committee on Public Affairs, nakakalungkot na maging ang mga bumoto na Kongresista pabor sa panukala ay hindi sigurado kung epektibo itong paraan upang masugpo ang laganap na krimen sa bansa.

“While we do not take away the prerogative of congress to enact laws, the passage of death penalty is a measure in the wrong direction.”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas

Iginiit ng pari na ang mga nagkamali ay dapat na parusahan hindi ng kamatayan at ang mga biktima ay dapat na arugain.

Naninindigan si Father Secillano na nasa maling direksyon ang death penalty bill dahil sa hindi maayos at hindi mapagkakatiwalaang justice system ng bansa.

Ikinatatakot ng pari na maging ang mga inosenteng tao ay maging biktima ng maling pagpapataw ng parusang bitay.

“With a dysfunctional and flawed criminal justice system, let’s expect that poor criminals will be lining the death row perhaps for wrong convictions. The measure is irrational, unjust, and a product of Congress’ savage character.”paglilinaw ng pari

Binigyan diin ni Father Secillano na hindi ibinatay ng mga mambabatas sa konsensiya ang boto sa death penalty bill kundi sa sariling interes at sa interes ng political party.

Nangangamba ang pari na maipapasa din sa Senado ang death penalty bill dahil dominado ng mga kaalyado ng Pangulong Duterte ang tinaguriang “August chamber”.

“The Senate is dominated by administration allies. People who assume that senators won’t approve it are simply politically naive. In Congress as well as in Senate, the name of the game is political patronage, alliances and survival.” But to those who oppose this oppressive measure, may you remain steadfast in supporting the nation’s quest for what is good, true and just”.pahayag ng Pari

Kaugnay nito, inihayag ni Kalookan Bishop Virgilio Pablo David na napapanahon ng bigyan ng education of conscience ang mga mambabatas na bumoto pabor sa panukalang death penalty.

Read: http://www.veritas846.ph/pro-death-congressmen-nangangailangan-ng-education-conscience/
(Riza Mendoza)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 46,698 total views

 46,698 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 71,014 total views

 71,014 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 106,804 total views

 106,804 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 147,575 total views

 147,575 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 197,636 total views

 197,636 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top