Pagbuwag sa protesta laban sa Woggle Corporation, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,563 total reads

Nakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) sa mamamayan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, sa pagtatanggol sa lupain at buhay laban sa isinasagawang mining exploration ng Woggle Corporation.

Ayon sa CMSP-JPICC, bilang mga taong naglaan ng buhay sa paglilingkod alinsunod sa Ebanghelyo, tungkulin nilang manindigan kung saan nanganganib ang buhay at dignidad ng tao.

Kaugnay ito ng mapayapang barikadang inilunsad ng mga residente ng Dupax del Norte at ng Oyao Village Council, na humantong sa karahasan matapos subukang buwagin ng mga pulis.

“No project has moral legitimacy when it endangers communities, disregards consultation, or undermines the covenant between people and creation,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Suportado rin ng komisyon ang panawagan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na igalang ang lupaing ninuno bilang bahagi ng pagkakakilanlan at alaala ng mga katutubo.

Sinabi ng CMSP-JPICC na ang paninindigan ng obispo para sa pagbabantay at pangangalaga sa buhay ng tao ay nagpapakita ng pagiging mabuting pastol ng Simbahan, na hindi kayang ipagsawalang-bahala ang mga pinatatahimik.

“His voice unites ecclesial concern with the cry of the poor and strengthens our conviction that ecological justice is a pastoral duty,” ayon sa komisyon.

Nanawagan din ang CMSP-JPICC sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Mines and Geosciences Bureau (MGB), at iba pang kaukulang ahensya na hindi lamang suspindihin kundi tuluyang bawiin ang mga permit na lumalabag sa karapatan ng mga pamayanan at sa Nueva Vizcaya Environmental Code.

Iginiit ng komisyon na ang pagmimina sa Dupax del Norte ay naglalagay sa panganib sa mga watershed, kabuhayan, at pamanang kultura ng mga katutubo.

Kasabay nito, nanawagan din ang mga relihiyoso’t relihiyosa sa mga mananampalataya na makiisa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng panalangin at pagkilos para sa katarungang pang-ekolohikal.

“May our Church remain steadfast in its witness that the earth is God’s, its people are sacred, and creation is not for sale,” saad ng CMSP-JPICC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 118,294 total reads

 118,294 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 151,623 total reads

 151,623 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 183,767 total reads

 183,767 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 249,829 total reads

 249,829 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 261,491 total reads

 261,491 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,429 total reads

 122,429 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top