Marahas na dispersal ng PNP sa mga residenteng tutol sa pagmimina ng Woggle corporation, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,199 total reads

Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang marahas na dispersal ng mga pulis sa mga residente ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya na nagtatag ng mapayapang barikada bilang pagtutol sa pagmimina ng Woggle Corporation.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, sa halip na papanagutin ang kumpanya sa mga paglabag nito, ang mamamayang nagpapahayag ng kanilang karapatan ang pinuntirya ng pulisya.

“We find it deplorable that instead of holding the mining corporation accountable for their illegal mining activities that lack the consent of affected communities, the police have targeted the protestors,” pahayag ni Garganera.

Kabilang sa mga dinakip sa dispersal noong Biyernes si Joel Abellera, na pinalaya rin kalaunan.

Sa social media post, iginiit ni Abellera na hindi siya nahihiyang makitang nakaposas dahil kanyang ipinaglalaban ang buhay, kabuhayan, kalikasan, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

“Hindi ako mahihiyang makita na nakaposas ako Dahil ang ipinaglalaban ko ay buhay, kabuhayan, kalikasan, at kinabukasan ng ating mga anak at mga apo. Hindi tayo magsasawang ipaglaban ang ating karapatan at labanan ang dayuhang Woggle Corp. mining company. Ganun din, hindi tayo takot ipakita sa mga leaders natin na tahimik [na] nakikipagsabwatan sa mining companies,” ayon kay Abellera.

Samantala, isinagawa rin ngayong araw ang “Motorcade for Hope and Prayer Rally for Nature” bilang bahagi ng Mining Hell Week ng ATM na layong ipanawagan ang pagtigil ng mapaminsalang pagmimina.

Nanawagan naman ang ATM sa administrasyong Marcos at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bawiin ang exploration permit ng Woggle Corporation bilang pagwawasto sa kawalang-katarungan sa mga residente.

““It is unacceptable that those who are disadvantaged are being harassed and intimidated by state agents. Meanwhile, the violations of the mining company are disregarded and their exploitation of natural resources allowed,” Garganera added… We stand firm with the residents and Oyao Village Council in Nueva Vizcaya in their resistance against the destruction of their communities and environment. We fully support their fight for nature and their future!,” saad ni Garganera.

Nauna nang umapela si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga halal na opisyal ng lalawigan ng Nueva Vizcaya na manindigan laban sa karahasang nararanasan ng mga tagapagtanggol ng kalikasan sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,663 total reads

 72,663 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,841 total reads

 107,841 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,141 total reads

 143,141 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,410 total reads

 369,410 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,822 total reads

 258,822 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,935 total reads

 154,935 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top