VP Sara, pinapaimbestigahan sa OMBUDSMAN

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,882 total reads

Bagama’t nanatili pa rin sa Supreme Court ang apela kaugnay sa impeachment proceedings na una na ring in-archive ng Senado, pinaiimbestigahan naman ng Tindig Pilipinas si Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang Tindig Pilipinas ay isang koalisyon ng mga civic at church group, at political party na nanawagan ng pananagutan para sa transparency, pananagulan at paglaban sa korupsyon-ay ang parehong grupo na nagsampa ng kasong impeachment laban kay Duterte sa Mababang Kapulungan.

Sa tatlong pahinang reklamo na isinumite sa tanggapan ng Ombudsman ng Tindig Pilipinas na pinangunguhan ng mga convenors kabilang na si Francisco ‘Kiko’ Aquino Dee, hiniling ng grupo kay Justice Secretary Jose Crispin Remulla ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa bise presidente, kaugnay na rin sa mga paglabag nito base sa impeachment complaint.

Kasama sa mga paratang laban kay VP Duterte ang paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan para paslangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Unang Ginang, at si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez; maling paggamit at paglustay ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education; at pagkakasangkot sa mga kaso ng graft, bribery, at unexplained wealth.

“The totality of respondent’s conduct as Vice President, including her commission of the foregoing acts, clearly display conduct constituting a betrayal of public trust, culpable violations of the 1987 Constitution, and graft and corruption,” ayon pa sa isimuteng reklamo.

Dagdag pa ng grupo, malinaw na nagpapakita ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga alegasyon kaya’t marapat na kumilos ang Ombudsman upang mapanagot ang sinumang lumalabag sa batas.

Ayon pa sa grupo, “In this moment, when faith in our institutions has been deeply eroded, it is imperative for your Office to help the Filipino people demand much-needed accountability from those in public office. We strongly implore you to initiate a comprehensive and impartial investigation into these grave matters, not only to uphold the rule of law, but to begin the vital work of restoring public trust.”

Giit ng grupo, hindi dapat manahimik ang sambayanan sa harap ng mga ganitong kontrobersiya at nananawagan silang magsagawa ng malalim, patas, at komprehensibong imbestigasyon ang Office of the Ombudsman upang maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,643 total reads

 3,643 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,076 total reads

 56,076 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,442 total reads

 141,442 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,178 total reads

 188,178 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,050 total reads

 236,050 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,279 total reads

 337,279 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top