In Mindanao, our truest wealth is our people-Bishop Rapadas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,244 total reads

Ipinahayag ni Iligan Bishop Jose Rapadas III na ang tunay na kayamanan ng Mindanao ay ang mga mamamayan nito, ang mga taong ipinagkatiwala ng Diyos upang paglingkuran at pangalagaan ng Simbahan.

Ito ang naging mensahe ng obispo sa opening Mass ng 18th Mindanao-Sulu Pastoral Conference (MSPC) na ginanap sa St. Michael the Archangel Cathedral Parish sa Iligan City noong October 20.

“In Mindanao, our truest wealth is our people. They are the treasures God entrusts to us. Let us store not grains, but graces. Stories of formed young leaders, reconciled families, and transformed communities,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Binigyang-diin ng obispo na ang MSPC ay higit pa sa isang pagtitipon ng mga diyosesis; ito ay isang pagdiriwang ng biyaya at pagkakaisa ng mga simbahan sa Mindanao.

Aniya, ito rin ay isang panahon ng pakikinig, pagbabagong-loob, at pagtutulungan tungo sa iisang misyon.

“A synodal church travels light so we can walk together. The church exists to evangelize, not to hoard, but to move. In a Synodal Church, no one merely watches or supervises but everyone walks together,” dagdag ng obispo.

Hamon pa ni Bishop Rapadas sa mga delegado na paigtingin ang pakikilakbay sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na sa mga kabataan, mahihirap, at mga sugatan sa pananampalataya upang matuklasan ang tunay na kalooban ng Diyos sa pagkakaisa.

“Our goal is not to build larger barns but to set larger tables. Tables of peace, dialogue, and fellowship. Let our parishes model openness through consultative processes and shared leadership mirroring the Eucharistic table: open, inclusive, and life-giving,” ani pa ng obispo.

Malugod niyang tinanggap ang mga delegado mula sa 22 ecclesiastical territories sa buong Mindanao.

“Hosting the MSPC here in Iligan is a historic milestone. This is our first, after 50 years,” ayon kay Bishop Rapadas.

Ang Mindanao-Sulu Pastoral Conference ay unang itinatag noong Nobyembre 1971 bilang pagtitipon ng Simbahang Katolika sa Mindanao at Sulu upang magkaisa sa pagtugon sa mga usapin ng kapayapaan, katarungan, at kultura sa rehiyon.

Ginaganap tuwing tatlong taon, ang MSPC ang nagsisilbing forum ng mga obispo, pari, relihiyoso, at mga layko upang pagplanuhan ang mga pastoral na hakbang para sa kabutihan ng mga pamayanang Kristiyano sa Mindanao at Sulu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,700 total reads

 23,700 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,011 total reads

 61,011 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 79,222 total reads

 79,222 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,550 total reads

 163,550 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,812 total reads

 199,812 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,235 total reads

 3,235 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top