Gamitin ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos, paanyaya ni Archbishop Uy sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,131 total views

Binigyang-diin ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa pagdiriwang ng kapistahan ni St. John Paul II na ang paanyaya ng Panginoon ay maging handa sa lahat ng pagkakataon.

Sa kanyang homiliya, hinimok ng arsobispo ang mga mananampalataya na tularan ang pagiging tapat na lingkod ng Diyos ni St. John Paul II, isang santo na ginamit ang kanyang talino, tapang, at pananampalataya upang ipagtanggol ang buhay, ibahagi ang pananampalataya, at maglingkod nang may pagmamahal sa kabila ng pagdurusa.

“God doesn’t expect perfection. He expects faithfulness. When He returns, may He find us busy doing good, not asleep in comfort, not hiding our gifts, but using them in service and love,” ayon kay Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang bawat biyayang ipinagkaloob ng Diyos tulad ng buhay, talento, at pananampalataya, ay may kaakibat na tungkulin.
Aniya, tulad ni St. John Paul II, dapat gamitin ng tao ang mga kaloob na ito para sa kapwa at sa simbahan.

Bilang Santo Papa, binigyang-diin ni John Paul II ang kahalagahan ng buhay sa kanyang ensiklikal na Evangelium Vitae o “The Gospel of Life.”

Paalala ni Archbishop Uy: “The first mark of a good steward: to protect life. If we value life, our own and others’, we are already living the Gospel.”

Dagdag pa ng arsobispo, si St. John Paul II ay nagbigay inspirasyon din sa kabataan sa pamamagitan ng World Youth Day at sa kanyang panawagang “Do not be afraid! Open wide the doors to Christ!” Pinangunahan din ng santo ang New Evangelization na isang panibagong pamamaraan ng pagbabahagi ng pananampalataya nang may kagalakan at pagkamalikhain.

“He also started the New Evangelization. A way of sharing our faith not with fear, but with joy and creativity. The Church must preach the same Gospel, but in a new way, with new energy, new methods, and new hearts,” dagdag ni Archbishop Uy.

Bilang hamon, hinikayat ng arsobispo ang bawat mananampalataya na magsimula sa sariling pamilya at komunidad sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo upang makamit ang isang tapat, mapayapa, at nagkakaisang lipunan.

“If we want a better Church, a better family, a better world, it starts today. It starts with you and me, being faithful stewards of what God has entrusted to us,” pagtatapos ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 10,084 total views

 10,084 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 60,768 total views

 60,768 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 66,897 total views

 66,897 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 96,688 total views

 96,688 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 115,239 total views

 115,239 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top