Karahasan sa San Fernando El Ray parish, kinundena ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,046 total reads

Mariing kinondena ng Archdiocese of Cebu ang karahasang naganap sa loob ng San Fernando El Rey Parish sa Liloan, Cebu noong Oktubre 24, 2025, kung saan isang babae ang natagpuang patay sa loob mismo ng simbahan.

Sa opisyal na pahayag ni Archbishop Alberto Uy, ipinahayag niya ang matinding dalamhati at pakikiisa sa pamilya ng biktima.

“We unite in prayer for the victim’s family as we condemn in the strongest terms this act of violence committed within the very house of God,” ani Archbishop Uy.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang babae ang natagpuang walang buhay sa likurang bahagi ng simbahan, may sugat sa ulo at mga galos sa leeg na palatandaan ng pananakal.

Ayon sa mga candle vendors, may isang lalaking mabilis na lumabas ng simbahan bago natagpuan ang katawan ng biktima. Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya, kabilang ang pagsusuri ng mga CCTV footage sa lugar.

Bunsod ng karahasang nangyari sa loob ng sagradong lugar, ipinahayag ng arsobispo na pansamantalang isasara ang simbahan alinsunod sa Canon 1211 of the Code of Canon Law, na nagsasaad na ang isang banal na pook ay itinuturing na desecrated kapag ito ay dumanas ng matinding paglapastangan na nagdudulot ng iskandalo sa mga mananampalataya.

“I, as the Archbishop of Cebu, decree the temporary closure of the Parish Church of San Fernando Rey, Liloan. All public acts of divine worship are to be suspended until proper canonical procedures are completed,” dagdag pa ni Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng Archdiocese na ang pagsasara ay bahagi ng mga Acts of Reparation, o mga seremonyang itinatakda ng simbahan upang maibalik ang kabanalan at dangal ng lugar bago muling ipagpatuloy ang mga misa at gawaing pampananampalataya.

Sa pansamantala, isasagawa ang mga Banal na Misa at iba pang aktibidad ng parokya sa Parish Pastoral Center.

Nanawagan din si Archbishop Uy sa mga mananampalataya na harapin ang trahedya nang may malasakit at panalangin.

“I ask the faithful to respond to this tragedy not with anger, but with prayer, compassion, and solidarity, especially for the victim and her family,” aniya.

Dagdag pa ng arsobispo, nananalangin ang simbahan na makamit ng pamilya ng biktima ang katarungan at agarang mahuli ang may kagagawan ng krimen.
Hinimok din ni Archbishop Uy ang lahat na patuloy na igalang ang buhay at mga sagradong pook.

“Let us all reaffirm our respect for every human person and for the sanctity of our sacred spaces, which are meant to be places of refuge, reverence, and healing,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,221 total reads

 79,221 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,378 total reads

 157,378 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,826 total reads

 190,826 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,122 total reads

 226,122 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,478 total reads

 449,478 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top