Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tunay na diwa ng Halloween, binago ng komersiyalismo

SHARE THE TRUTH

 19,577 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya, lalo na ang mga magulang, na ipagdiwang ang darating na kapistahan ng mga banal at paggunita sa mga yumao nang may diwa ng kabanalan, hindi ng katatakutan.

Sa kanyang mensahe bago ang All Saints’ Day, pinaalalahanan ng arsobispo ang mga pamilya na iwasan ang mga nakakatakot na maskara at kasuotan tuwing Halloween, at sa halip ay hikayatin ang mga bata na tularan ang mga banal.

“I encourage our parents, teachers, and parish leaders: let us guide our children to dress as saints, not as demons; as angels, not as monsters. Let their joy reflect the beauty of holiness, not the ugliness of sin,” mensahe ni Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang Halloween, o All Hallows’ Eve, ay orihinal na ipinagdiriwang bilang bisperas ng kapistahan ng lahat ng mga santo na isang pagkakataon upang parangalan ang mga banal na namuhay nang tapat sa Diyos at ngayo’y kapiling sa langit.

Gayunman, ikinalungkot ni Archbishop Uy na sa paglipas ng panahon ay nagbago ang kahulugan nito dahil sa labis na komersiyalismo.

“Instead of celebrating light, goodness, and holiness, it has often turned into a glorification of darkness, fear, and evil,” aniya.

Panawagan ng arsobispo sa mga magulang at guro na turuan ang kabataan ng tunay na diwa ng kabanalan—ang pag-ibig at katapatan sa Diyos.

“Let us also teach our children that holiness is not boring, it is joyful! Saints were people who loved deeply, served faithfully, and lived courageously. If we want our children to have true heroes, let them look to the saints,” dagdag pa ni Archbishop Uy.

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Santo, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang kabanalan sa kanilang mga tahanan, paaralan, at komunidad.

“Let us fill our communities not with fear, but with faith; not with masks of darkness, but with faces of kindness and love,” ayon pa sa kanya.

Ipinagkaloob ni Archbishop Uy ang kanyang basbas sa mga pamilya, lalo na sa mga kabataan, upang manatiling masigla at matapat sa pananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disenteng bilangguan

 3,328 total views

 3,328 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 14,143 total views

 14,143 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 44,795 total views

 44,795 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 57,054 total views

 57,054 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 68,205 total views

 68,205 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walang itinatakwil ang Panginoon

 1,410 total views

 1,410 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top