Maging prophetic interpreters, hamon ni Bishop Maralit sa mga catholic communicator

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,951 total reads

Hinamon ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang mga tagapaglingkod sa larangan ng social communications na maging “prophetic interpreters” ng kasalukuyang panahon sa liwanag ng Ebanghelyo.

Sa Concluding Mass ng SIGNIS Asia Assembly 2025 sa Cathedral Parish of St. Paul the First Hermit o San Pablo Cathedral, binigyang-diin ng obispo na bagaman bihasa na ang marami sa paggamit ng teknolohiya, nananatiling bulag ang ilan sa tunay na kahulugan ng buhay at sa diwa ng pagkatao.

Ayon kay Bishop Maralit, na siya ring pinuno ng Federation of Asian Bishops’ Conferences – Office of Social Communication, tungkulin ng mga lingkod sa Ministry of Social Communications na basahin at unawain ang mga senyales ng panahon—maging ito ma’y tungkol sa digital noise, fake news, o pagbabago ng klima—gamit ang pananaw ng pananampalataya.

“Across Asia, we have become masters of reading screens. Yet many have lost the ability to read that which is [the] most important – basically, the human heart,” ayon kay Bishop Maralit.

Sa kanyang pagninilay, tinukoy ng obispo na ang mga naglilingkod sa gawaing pangkomunikasyon ay tinatawag hindi lamang upang mag-ulat ng mga pangyayari, kundi upang ipakita ang pagkilos ng Diyos sa kasalukuyan na isinasabuhay sa pamamagitan ng panalangin, pakikinig, at malasakit.

Nagbabala rin si Bishop Maralit laban sa kawalang-pakialam at katahimikan sa harap ng kasinungalingan, at hinimok ang mga tagapagpahayag ng pananampalataya na maging saksi ng katotohanan at habag.

Ipinaalala ng obispo na ang tunay na pakikipag-ugnayan ay nagmumula sa pagbabagong-loob at dapat isagawa bilang pamayanang nagkakaisa at nakikinig sa diwa ng pananampalataya.

“For Catholic Social Communicators, our mission is not merely to use media – but to create communion through media, to turn the screen into a space of encounter, a post into a moment of prayer, [and] a platform into a pulpit of hope. We must facilitate dialogue and encounters, no matter our differences,” paalala ni Bishop Maralit.

Nanawagan si Bishop Maralit na tugunan ang mga palatandaan ng panahon nang may pag-asa, sigasig, at layuning gawing makatao at maka-Diyos ang makabagong mundo ng teknolohiya.

Dagdag pa ng obispo, sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence, nananatiling mahalaga ang pagpapakatao at higit sa lahat, ang pagpapakabanal sa gawain ng komunikasyon.

“It is for us even more, to bring the divine style of God into communications in such a way that it is not only being humanized, but even more so Christified – where faith, hope, and charity are seen, felt, and heard,” saad ni Bishop Maralit.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,820 total reads

 48,820 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,186 total reads

 134,186 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,921 total reads

 180,921 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,793 total reads

 228,793 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,410 total reads

 330,410 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,592 total reads

 169,591 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top