Mahalagang papel ng mga kabataan sa simbahan, kinilala ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,261 total reads

Kinilala ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mahalagang papel ng mga kabataan sa Simbahang Katolika.

Sa katatapos na 2-day National Youth Conference ng CHARIS Philippines, pinuri ng arsobispo ang pagtitipon bilang paraan upang higit na mapatatag ang pananampalataya ng mga kabataan at mahubog ang kanilang pagkatao.

“Young people are special in the heart of God. This kind of gathering reminds them to stay with God and be active in the Church so that their faith will not only be nourished but strengthened,” pahayag ni Archbishop Uy sa Radyo Veritas.

Ayon sa arsobispo, napakahalaga ng ganitong mga gawain na nagbubuklod sa mga kabataan lalo na sa panahong humaharap sila sa maraming hamon ng lipunan.

Binanggit ng arsobispo ang mga usaping nakakaapekto sa kabataan gaya ng mental health concerns, depression, suicide, at ang paglaganap ng fake news at bashing sa social media na maaaring makasira sa kanilang pananampalataya at pagkatao.

“We need gatherings like this for our young people to help them develop stronger faith in God and a stronger belief in themselves,” dagdag pa ng arsobispo.

Samantala, sinabi ni Fe Barino, national coordinator ng CHARIS Philippines, na paiigtingin ng mga charismatic groups sa bansa ang mga programa para sa pagpapalalim ng pananampalataya, bilang paghahanda ng Simbahan sa Global 2033 Evangelization.

“We are now starting to mobilize evangelizers, as the Commission on Evangelization has asked the charismatic renewal to be at the forefront of the Global 2033 in the Philippines. We trust in the Holy Spirit, who is working with us to help this mission,” pahayag ni Barino sa Radyo Veritas.

Ang Global 2033 ay isang pandaigdigang misyon ng Simbahang Katolika na naglalayong paghandaan ang ika-2,000 anibersaryo ng Pagkabuhay ni Hesukristo.

Layunin nitong hikayatin ang bawat binyagan na maging aktibong tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng panalangin, malasakit, at pagbabahagi ng pananampalataya.

Batay sa datos ng CHARIS Philippines, mahigit 800 kabataan mula sa 40 diyosesis sa buong bansa ang lumahok sa unang National Youth Conference, na may temang “Shine Jesus Shine” hango sa Ebanghelyo ni San Mateo 5:16.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 309 total reads

 309 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,552 total reads

 50,552 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,918 total reads

 135,918 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,654 total reads

 182,654 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,525 total reads

 230,525 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,052 total reads

 332,052 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top