Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 143,667 total reads

Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang naitatayo ng ahensya ngayong taon. Dalawang buwan na lang ang natitira bago matapos ang taon ngunit halos 1.3% pa lamang ang naitatayong mga classrooms. Dagdag pa ng kalihim, 822 na silid-aralan ang kasalukuyang itinatayo samantalang 882 ang hindi pa nasisimulan.

Ayon sa Department of Education (o DepEd), ang mabagal na implementasyon ng DPWH ay dahil sa mabigat na workload nito. Nakaapekto rin daw ang mabagal na paglabas ng pondo ng DPWH at pagbabago sa liderato ng ahensya. Pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (o ACT) Philippines, sinasalamin ng kakulangang ito ang tunay na prayoridad ng pamahalaan: habang bilyun-bilyon ang ibinuhos ng DPWH sa maanomalyang flood control projects, pinabayaan naman ang karapatan ng kabataan sa dekalidad na mga imprastrukturang pang-edukasyon. Anila, hindi lamang ito incompetence kundi criminal neglect.

Noong 2014, idineklara ni dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi lamang binura ng DepEd ang classroom backlog na minana nito mula sa nakaraang administrasyon. Lumampas pa sa kinakailangang bilang ang mga naitayong silid-aralan. Pero sa datos ng Second Congressional Commission on Education (o EDCOM 2), mula 2014 hanggang 2024, tuluy-tuloy nang nabigo ang pamahalaan sa pag-abot ng taunang target sa pagtatayo ng silid-aralan. Noong 2018, inilipat mula sa DepEd ang mandatong magtayo ng mga silid-aralan sa DPWH. Simula noong naging sole implementing agency ng school building program ang DPWH, lumobo na sa 146,000 ang kulang na silid-aralan sa bansa. Hindi lamang nagkataon ang paglaki ng kakulangang ito kasabay ng mga maanomalyang infrastructure projects ng DPWH sa ilalim ng administrasyong Duterte at Marcos Jr. Ayon kay ACT Chairperson Ruby Bernardo, “Malinaw na matinding pagpapabaya ito ng estado sa sektor ng edukasyon at sa karapatan ng kabataan sa dekalidad na edukasyon.”

Kaya naman, iniutos ng PBBM na ilipat ang paghawak ng pondo at pagtatayo ng silid-aralan sa mga local government units (o LGU) upang mapabilis ang implementasyon at mapunan ang classroom backlog sa buong bansa. Samantala, ang DepEd at DPWH naman ang susubaybay sa implementasyon nito. Maliban sa mga LGUs, binabalak din ng DepEd na makipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines Corps of Engineers, mga NGO, at pribadong sektor sa pagtatayo ng mga silid-aralan.

Sa isang conference noong 2024, idiniin ni Pope Francis na ang edukasyon ay karapatan—hindi pribilehiyo—ng bawat bata. Aniya, “Education is an act of hope for a better society.” Pero paano makakamit ng kabataan ang dekalidad na edukasyong magbibigay-daan sa maunlad na lipunan kung labis ang kakulangan sa mga silid-aralan? Paano matatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon kung libu-libong estudyante ang nagsisiksikan sa iilang mga silid o ‘di kaya sa covered courts at makeshift classrooms? Tungkulin ng pamahalaang itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mamamayan. Higit pa sa paglipat ng responsabilidad sa pagtatayo ng mga silid-aralan, matugunan din dapat ang iba pang mga isyu sa sektor ng edukasyon gaya ng kakulangan sa mga guro, school personnel, textbooks, at teaching materials, pati na ang mababang sahod ng mga guro. Higit sa lahat, mapanagot dapat ang mga responsable sa kasuklam-suklam na katiwaliang hindi lang kaban ng bayan ang ninanakaw kundi pati ang kinabukasan ng kabataan.

Mga Kapanalig, ang pagkakaroon ng sapat, maayos, at ligtas na mga silid-aralan ay hindi lamang mahalaga sa pagtamo ng karunungan at magandang kinabukasan para sa mga kabataan. Gaya ng turo sa Mga Kawikaan 1:2-3, nagsisilbi rin itong tahanan ng mga aral sa matuwid, matapat, at makatarungang paraan ng pamumuhay—mga aral na higit na kailangang isabuhay ng ating mga lingkod-bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,470 total reads

 33,470 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,685 total reads

 139,685 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,472 total reads

 176,472 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 207,048 total reads

 207,048 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 254,104 total reads

 254,104 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 33,471 total reads

 33,471 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 139,686 total reads

 139,686 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 176,473 total reads

 176,473 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 207,049 total reads

 207,049 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top