3,339 total views
Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows Day o Hallowmas”.
Ang Halloween, o All Hallows’ Eve, ay orihinal na ipinagdiriwang bilang bisperas ng kapistahan ng lahat ng mga santo na isang pagkakataon upang parangalan ang mga banal na namuhay nang tapat sa Diyos at ngayo’y kapiling sa langit.
Sa araw na ito, pinaparangalan nating mga Kristiyano ang lahat ng mga Santo na naka-canonized at yaung hindi pa pormal na kinikilala.
Kapanalig, ang mga Santo ay nagsisilbing koneksyon ng mga nabubuhay sa mundo at mga Santo sa langit o buhay na walang hanggan.
Itinakda ng Simbahang Katolika ang “All Saint’s Day” na “holy day of obligation”, ibig sabihin, ang lahat ng Katolikong Kristiyano ay nararapat magsimba, dalawin ang puntod ng mga mahal sa buhay sa mga sementeryo, pag-alay ng mga bulaklak at pagdarasal sa kaluluwa ng mga yumao at mga banal at santo.
Gayunman, nakakalungkot na ang banal na paggunita sa All Saints Day at All Souls day ay unti-unti nang naglalaho. Binago na ang banal na paggunita ng makabagong panahon… nilulusaw na ang kultura ng komersiyalismo.
Ang tunay na diwa ng kabanalan ay pinalitan na ng commercialism. Ang kabanalan ay pinalitan na ng kata-katukutan. Mas nanaig ang katakutan sa kasuotan sa halip na kaaya-aya at kalugod-lugod na pananamit.
Sa paggunita sa Araw ng mga banal, hihinimok ng Simbahansg Katolika ang mga magulang, mga guro at mga parish priest na gabayan ang mga bata na tularan ang buhay ng mga banal, ituro sa mga bata ang kabanalan, ang pag-ibig at katapatan sa Diyos.
Panawagan ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa Radyo Veritas sa Santa Iglesia na “I encourage our parents, teachers, and parish leaders: let us guide our children to dress as saints, not as demons; as angels, not as monsters. Let their joy reflect the beauty of holiness, not the ugliness of sin,”
Kapanalig, ika nga ni Archbishop Uy., “Let us also teach our children that holiness is not boring, it is joyful! Saints were people who loved deeply, served faithfully, and lived courageously. If we want our children to have true heroes, let them look to the saints,”
Sumainyo ang Katotohanan.




