Tema at logo ng Nazareno 2026, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,448 total reads

Isinapubliko na ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang opisyal na tema at sagisag para sa pagdiriwang ng Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Enero 9, 2026.

Napiling tema para sa Nazareno 2026: Debosyon, Traslacion, Misyon, ang mga pahayag mula sa Ebanghelyo ni San Juan, na “Dapat Siyang tumaas, at ako nama’y bumaba.”

Ayon sa Quiapo Church, ipinahahayag ng tema ang tatlong pangunahing pagpapahalaga—Pagpupuri, Kababaang-loob, at Pananampalataya—na siyang diwa ng buhay-debosyon ng mga deboto ng Poong Nazareno.

“Ipinapakita ng bawat elemento kung paanong nararapat na maitaas natin si Kristo, hindi lamang sa Traslacion, kundi sa ating mga buhay sa pamamagitan ng pananampalataya at kababaang-loob,” pahayag ng Quiapo Church.

Itinatampok sa disenyo ng logo ang Poong Hesus Nazareno na itinataas ng mga deboto bilang tanda ng pagpupuri at pagkilala na si Kristo lamang ang nararapat papurihan.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng basilika na ang liwanag mula sa Poong Nazareno ay kumakatawan sa kaluwalhatiang patuloy na gumagabay sa mga pusong mapagpakumbaba.

Samantala, ang dalawang debotong buhat sa andas ay larawan ng kababaang-loob—ang pagpapakumbabang nagbibigay-daan upang si Kristo ang maitaas.

“Ang sakripisyo, pagod, at pagtitiis ng mga deboto sa kabila ng mga kanya-kanyang pasanin sa buhay ay lalo pang nagtataas at nakapagbibigay papuri sa Diyos,” ayon sa Quiapo Church.

Ang batang nasa disenyo ay paalala ng turo ni Hesus na ang sinumang nagpapakababa na tulad ng bata ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Ipinapakita naman ang pananampalataya sa puting telang bumabalot sa logo, tanda ng mga panyong ginagamit ng mga deboto sa taimtim na panalangin.

Makikita rin ang lubid na nakapalibot dito, na sumisimbolo sa pagkakaisa sa pananampalataya, habang ang Simbahan ng Quiapo sa likuran ay larawan ng matatag na debosyon ng sambayanang Pilipino.

Layunin ng Nazareno 2026 na ipaalala sa bawat deboto na ang tunay na diwa ng Traslacion ay hindi lamang ang paggunita sa debosyon, kundi ang araw-araw na pagsasabuhay ng pagpupuri, kababaang-loob, at pananampalataya kay Kristo.

“Sa bawat elemento ay naipapakita na ang ating debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay umiikot sa pagpupuri, kababaang-Loob, at pananampalataya – mga pagpapahalagang isinasabuhay ng bawat deboto hindi lamang sa Traslacion kundi sa buhay disipulo,” paliwanag ng Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,827 total reads

 48,827 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,193 total reads

 134,193 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,928 total reads

 180,928 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,800 total reads

 228,800 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,417 total reads

 330,417 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,593 total reads

 169,593 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top