2,696 total views
Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na pinagbabayaran ang parusa ng kanilang nagawang kasalanan sa piitan.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo sa naganap na paggunita ng 38th Prison Awareness Sunday noong ika-26 ng Oktubre, 2025.
Ayon kay Bishop Dael ang Prison Awareness Sunday ay isang paalala na ang Diyos ay hindi kailanman sumusuko sa sinuman, anuman ang kanyang nakaraan o nagawang kasalanan.
“Our merciful God never gives up on anyone. His mercy proclaims hope, not only for us sinners, but especially for those who live behind bars. In the eyes of God, no one is beyond redemption. No one is beyond hope,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Dael.
Ayon sa Obispo, gaano man kabigat ang nagawang pagkakamali ng bawat tao ay mayroon itong pag-asa tungo sa pagbabago.
“To proclaim God’s mercy is to believe that change is possible, that grace can still bloom in the darkest cell, and that forgiveness can heal both victims and offenders alike,” Dagdag pa ng Obispo.
Nanawagan naman si Bishop Dael sa pamilya ng mga PDLs na ipagpatuloy ang pag-ibig at pagtanggap sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa piitan, sapagkat sa pamamagitan ng pagdalaw at pakikipagkapwa ay nagbibigyan ng pag-asa ang mga nakapiit na PDLs.
“Huwag ninyo silang ikahiya. Continue to love them, to accept them as they are. Spend time to visit them because your visitation will give hope to them — because that is what Christian love is all about,” Ayon pa kay Bishop Dael.
Pinuri rin ng Obispo ang patuloy na pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga Volunteers in Prison Ministry na malaki ang naiitulong upang maipadama sa mga PDLs ang patuloy na malasakit ng Simbahan.
“Let us not give up on them because God is not giving them up. For in God’s mercy, every sinner can rise and every captive can be free,” pagtatapos ni Bishop Dael.
Ang Prison Awareness Sunday ay bahagi ng taunang pagdiriwang ng Prison Awareness Week na layuning ipalaganap ang kamalayan at pagkalinga sa mga nakapiit, sa pamamagitan ng mga programa ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, katuwang ang iba’t ibang diocesan prison ministries sa buong bansa.




