Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 169,476 total reads

Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan na ito ay may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Bata, Ipaglaban!” 

Ang OSAEC ay acronym para sa online sexual abuse and exploitation of children, habang ang CSAEM naman ay child sexual abuse and exploitation materials. Krimen ang mga ito sa ilalim ng Republic Act No. 11930 o ang Anti-OSAEC-CSAEM Act. Tumutukoy ang OSAEC at CSAEM sa lahat ng porma ng sekswal na karahasan, pang-aabuso, at pananamantalang ginagawa sa mga bata sa pamamagitan ng information and communications technology. Kabilang sa mga ito ang paggawa, pagpapakalat, at pagpapamay-ari ng mga materyal na ginagawang sekwal na bagay ang isang bata. 

May tatlong pangunahing sangkot sa OSAEC: ang buyer, ang facilitator, at ang batang biktima. Ayon sa report ng International Justice Mission, dito sa Pilipinas, ang buyer o customer ay kadalasang lalaki na edad 40 pataas. Kadalasang dayuhan ang mga customers—mga taga-Amerika, Sweden, at Australia. Ang facilitator o trafficker naman ay kadalasang Pilipino at babae.  Karamihan sa kanila ay magulang o kamag-anak mismo ng mga biktima. Kahirapan ang pangunahing nagtutulak sa traffickers na biktimahin ang mga bata. Katwiran nila, “harmless” o hindi naman mapanganib ang OSAEC dahil online naman ito. Hindi nahahawakan ang mga bata. Samantala, labing-isang taong gulang naman ang kadalasang edad ng mga batang biktima, pero may mga biktima ding sanggol pa lamang. Nakapangingilabot! Nakagagalit!

Mga batang Pilipino ang isa sa pinaka-vulnerable na biktima ng OSAEC sa buong mundo. Bakit? Una, maraming Pilipino ang fluent sa Ingles kaya mas madali ang komunikasyon sa pagitan ng buyer at trafficker. Ikalawa, maraming hiráp sa buhay dito sa Pilipinas kaya napipilitang kumapit sa patalim ang mga traffickers. Panghuli, maraming bata ang hinahayaang gumamit ng internet. Sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan at mga NGO para sugpuin ang OSAEC, nanatili itong laganap sa ating lipunan ngayon. 

Mariing ipinapaalala ng ating Simbahan na dapat igalang ng lahat ang dignidad ng mga bata. Ang bawat tao—bata man o matanda—ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ang pagyurak sa dignidad ng sinuman ay tahasang pagsira sa magandang plano ng Diyos para sa Kanyang mga nilalang. Walang puwang sa isang makataong bansa, pamahalaan, o lipunan ang pang-aabuso sa mga bata. Sila ang susunod na henerasyon ng ating bayan, kaya mahalaga ang mga hakbang ng isang bansa o ng mga bansa na lababan ang anumang porma ng pagyurak sa dignidad ng mga musmos na walang kalaban-laban. 

Sa Mateo 19:14, sinabi ni Hesus, ”Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata… sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.” Patunay ang mga salitang ito ng pagpapahalaga at pagmamahal ng Panginoon sa mga bata. Kaya ang sinumang sumusunod kay Hesus—tayong mga Kristiyano—ay may mabigat na tungkuling protektahan at pangalagaan ang mga bata. 

Sa loob ng mga tahanan, siguruhin nating hindi naiiwang mag-isa ang mga bata online. Maging mapagmatyag tayo sa ating paligid. Kahit hindi natin anak ang isang bata, tungkulin nating protektahan siya. I-report sa Barangay Council for the Protection of Children o sa pulis ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata. Palalimin natin ang ating kaalaman tungkol sa OSAEC at ibahagi ito sa iba. Kung may kakayanan tayo sa buhay, suportahan natin ang mga organisasyong may mga programa at proyektong sumusuporta sa mga victim-survivors

Mga Kapanalig, “it takes a village to raise a child”. Kasama tayong mga Kristiyano sa pamayanang ito. Buuin natin ang isang lipunang na ligtas, mapagmahal, at makatarungan para sa mga bata. Sama-sama nating wakasan ang OSAEC at CSAEM!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 29,878 total reads

 29,878 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 136,390 total reads

 136,390 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 173,177 total reads

 173,177 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 203,753 total reads

 203,753 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 250,958 total reads

 250,958 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 29,879 total reads

 29,879 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 136,391 total reads

 136,391 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 173,178 total reads

 173,178 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 203,754 total reads

 203,754 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top