Pagbabayanihan ng mamamayan sa Baler, Aurora, pinuri ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,762 total views

Nagpapasalamat si Rev. Fr. Israel Gabriel, kura paroko ng San Luis Obispo Parish sa Baler, Aurora sa lahat ng mga nagtulungan para sa kaligtasan ng mga residente mula sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Partikular na pinasalamatan ng Pari ay ang lokal na pamahalaan (LGUs) at lahat ng mga boluntaryong tumugon sa pangangailangan ng mga evacuees katuwang ang Simbahan.

Ayon kay Fr. Gabriel, umabot sa humigit-kumulang 1,500-indibidwal ang pansamantalang lumikas at nanatili sa Mount Carmel College of Baler na nagsilbing evacuation center sa Baler at karatig-barangay.

“Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga LGUs specially nagtulong tulong po kaming lahat, the church and the government helping each other at again pagpapasalamat natin sa lahat ng mga taong nanalangin.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gabriel sa Radyo Veritas.

Pinasasalamatan din ni Fr. Gabriel, ang lahat ng mga nanalangin upang ipag-adya ang lahat mula sa anumang kapahamakan na dulot ng malakas na bagyo.

Pagbabahagi ng Pari, patuloy rin ang koordinasyon ng parokya sa mga awtoridad upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuee na nananatiling matatag ang pag-asa na nakaugat sa pananampalataya.

“Sabi nga nila, wala na tayong ibang kakapitan pa kundi ang Diyos, dahil ang direksyon mismo ng bagyo ay patungo sa Baler. Kaya let’s keep on praying, God will do the impossible as He loves us very much.” Dagdag pa ni Fr. Gabriel.

Pagbabahagi ni Fr. Gabriel, maging sa harap ng unos ay nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan at pananampalataya sa Baler, Aurora na isang patunay na sa kabila ng dilim, ang liwanag ng pagkakaisa at pananalig sa Diyos ay hindi kailanman mawawala.

Kaugnay nga nito, naitala sa Dinalungan, Aurora ang unang landfall ng Super Typhoon Uwan na nagdulot ng storm surge sa mga baybayin ng lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 22,921 total views

 22,921 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 73,605 total views

 73,605 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 79,734 total views

 79,734 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 109,115 total views

 109,115 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 126,611 total views

 126,611 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top