Ecological conversion, panawagan ng obispo sa matinding pinsalang iniwan ng bagyong Tino at Uwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,054 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa bawat mamamayan na patuloy na pangalagaan ang kalikasan lalo na ang mga likas na yaman na ipinagkaloob ng Panginoon sa sanlibutan.

Nagbabala si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio na ang paglapastangan sa kalikasan ay magdudulot ng panganib sa buhay at kabuhayan ng mamamayan tulad ng iniwang pinsala ng bagyong Tino at Uwan.

Inihalimbawa ng Obispo ang pangangalaga sa kabundukan ng Sierra Madre na itinuturing na isa sa mga pangunahing nagprotekta sa bansa laban sa mas matinding pinsala na maaring naidulot ng Super Typhoon Uwan lalo na sa hilagang Luzon na ngayon ay unti-unting sinisira ng pagmimina, illegal logging, at mapinsalang tulad ng kaliwa dam.

Ayon kay Bishop Florencio, kung hindi dahil sa Sierra Madre ay maaaring mas matindi pa ang maranasang epekto ng Super Typhoon Uwan sa mga madaraanan nitong lalawigan.

Paliwanag ng Obispo, may dahilan at layunin ang Panginoon sa pagkakaloob ng iba’t ibang likas na yaman sa sanlibutan kaya naman marapat lamang na magkaisa ang lahat upang sama-samang mapangalagaan ang mga biyaya ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Sana nasa mabuti ng kalagayan after the typhoon Uwan. Ang dalangin ko po ay sana sama-sama tayong mangalaga sa kalikasan, sa Sierra Madre na iyan. Siya po ang isa sa mga dahilan na nalusaw ang Bagyong Uwan dahil kung hindi sa kanya baka malaki pa ang pinsala sa atin. Ito ay bigay sa atin ng Panginoon, meron purpose ang Diyos sana sama-sama natin pangalagaan ang bundok na ito.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ng Obispo ang lahat na magnilay sa mga pagkukulang ng bawat isa sa pangangalaga sa kalikasan at magkaroon ng “ecological conversion” o pagbabagong-loob tungo sa mas malalim na paggalang, pagpapahalaga at pag-ibig sa kalikasan.

“Sana kung meron man tayong mga ginawa against sa ating kalikasan magkaroon sana tayo ng ecological conversion, upang mabigyan din ng respeto ang atin environment na minsan mangiyakiyak dahil sa hindi natin pag-aalaga.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Binigyang-diin din ni Bishop Florencio na ang pagmamahal sa kalikasan ay bahagi ng pananampalataya, at ang pangangalaga rito ay isang tugon sa pagmamahal ng Diyos sa Kanyang nilikha.

Ang kabundukan ng Sierra Madre ay may haba na humigit-kumulang 540 kilometro, na umaabot sa silangang bahagi ng Luzon mula Cagayan hanggang Quezon, kung saan sa hilagang bahagi nito matatagpuan ang Northern Sierra Madre Natural Park, na siyang pinakamalaking protektadong lugar sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,491 total reads

 43,491 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,520 total reads

 93,520 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,391 total reads

 141,391 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,340 total reads

 245,340 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,228 total reads

 329,228 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top