Laganap na katiwalian, nagdudulot ng matinding panganib sa buhay ng tao at kapaligiran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,046 total views

Laganap na katiwalian, nagdudulot ng matinding panganib sa buhay ng tao at kapaligiran

Mariing kinondena ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan na siyang nagdudulot ng matinding pinsala sa kapaligiran at buhay ng mga tao kaysa sa mismong kalamidad.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Public Affairs Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bagama’t hindi maiiwasan ang galit ng kalikasan, maaaring mapagaan ang epekto nito kung maayos ang pamamahala at hindi nasasayang ang pondo na nakalaan para sa disaster preparedness at rehabilitasyon.

“Nature can’t be prevented from unleashing its fury, but its impacts can at least be mitigated,” ayon sa pari.

Binatikos din ni Fr. Secillano, ang mga opisyal na dapat sana’y nangunguna sa pagtulong tuwing may kalamidad ngunit sila pa mismo ang nagiging dahilan ng kamatayan at pagkasira ng kabuhayan ng maraming Pilipino.

“Ang malaking problema sa ating bansa, ang pondo at mga taong inaasahan nating tutulong upang maiwasan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad, ang siya pang naging mitsa ng kamatayan at pagkasira ng ari-arian ng ating mga kababayan,” ani Fr. Secillano.

Dagdag pa ng pari, panahon na upang gisingin ang konsensya ng mga namumuno at managot ang mga sangkot sa katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

“Isa itong panawagan sa pamahalaan at mga pinuno ng ating bayan—hanggang kailan ninyo masisikmura ang trahedyang sinasapit ng mga Pilipino habang pinagpapasasaan ninyo ang kaban ng bayan?” giit ng pari.

Pinuna rin niya ang paggamit ng pondo ng bayan para sa pansariling interes ng ilang opisyal, na aniya’y higit na mapanira kaysa sa alinmang bagyo o lindol.

“Masama ang mangbintang, pero di ba’t obvious na mas malala pa sa mga delubyong dumaan sa bansa ang ginawa ninyong pagkamkam sa pera ng bayan? Maliban sa mga kalamidad, isa po kayo sa mga dahilan ng pagkawasak ng buhay ng napakaraming Pilipino,” dagdag pa ni Fr. Secillano.

Panawagan ng pari ng tunay na reporma, pananagutan, at malasakit mula sa mga nasa kapangyarihan upang matiyak na ang pondo para sa mamamayan ay tunay na mapupunta sa tama—lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 36,946 total views

 36,946 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,098 total views

 60,098 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,212 total views

 130,212 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,826 total views

 204,826 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,197 total views

 282,197 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top