Holy Name University, kinilala ng Diocese of Tagbilaran at Talibon na Catholic University of Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,570 total reads

Kinilala ng mga Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon ang Holy Name University (HNU) bilang The Catholic University of Bohol, isang makasaysayang pagkilalang nagpapatibay sa misyon nitong maghatid ng edukasyong nakaugat sa pananampalatayang Kristiyano.

Sa isinapublikong kautusan na nilagdaan nina dating Tagbilaran Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon ng Talibon, ipinahayag ng Simbahan na ang bagong titulo ay sagisag ng natatanging misyon ng HNU bilang sentro ng talino at pananampalataya sa Bohol.

“We hereby grant unto the Holy Name University the title of The Catholic University of Bohol. By this designation, the Catholic University of Bohol shall serve as a hub for intellectual and spiritual life in the Dioceses of Tagbilaran and Talibon, and act as a beacon of Catholic thought, ensuring that the Gospel message informs and shapes the pursuit of knowledge and the formation of students,” ayon kina Bishops Uy at Parcon.

Ipinahayag ng mga obispo ang kanilang tiwala sa patuloy na papel ng unibersidad sa pagsusulong ng dangal ng tao, pamanang kultural, at edukasyong nakaugat sa Ebanghelyo.

“Through the years, the University has consistently operated as a private, Catholic, co-educational institution serving the educational needs of the province and the wider community,” dagdag pa nila.

Ang pagkilalang ito ay bunsod ng petisyon ni Fr. Ruel F. Lero, S.V.D., pangulo ng HNU, na inihain noong Pebrero 18, 2025. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga kaukulang tanggapan, pinagtibay nina Bishops Uy at Parcon ang nasabing pagkilala noong Agosto 15, 2025, kasabay ng pagdiriwang ng ika-164 anibersaryo ng ordinasyon ni Saint Arnold Janssen, tagapagtatag ng Society of the Divine Word (S.V.D.).

Itinatag ang Holy Name College noong 1947 ni Rev. Alphonse Lesage, S.V.D., sa patnubay ni dating Tagbilaran Bishop Julio Rosales. Noong 1964, ganap itong nailipat sa pamamahala ng Society of the Divine Word at tinawag na Divine Word College of Tagbilaran (DWC-T). Taong 2001 naman nang ito ay ginawaran ng katayuang unibersidad at muling tinawag na Holy Name University.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,884 total reads

 43,884 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,858 total reads

 93,858 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,729 total reads

 141,729 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,678 total reads

 245,678 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,539 total reads

 329,539 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top