Archdiocese of Lingayen-Dagupan, nagpapasalamat matapos i-adya sa malalang epekto ng bagyong Uwan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,190 total views

Nagpahayag ng pasasalamat ang social arm ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan matapos maranasan ang matinding pagbaha dulot ng Bagyong Uwan.

Ayon kay Caritas Lingayen-Dagupan Executive Director, Ms. Janice Hebron, halos lahat ng barangay sa Dagupan City, Pangasinan, at sa mga baybaying bayan na saklaw ng arkidiyosesis ay lumubog sa baha na umabot hanggang dibdib dahil sa storm surge at high tide.

“Salamat sa Diyos, we survived Uwan. Mabilis namang bumaba ang tubig-baha nang humupa na rin ang hangin,” ayon kay Hebron.

Ibinahagi rin ni Hebron na may ilang lugar pa rin ang walang kuryente at mahina ang signal ng internet.

Dagdag pa niya, malaki ang naitulong ng mga pasilidad ng mga parokya at ng Archdiocesan Formation Center sa Dagupan City na nagsilbing evacuation center para sa mga residenteng nagsilikas dahil sa bagyo.

Sa kasalukuyan, karamihan ng evacuees ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan.

“We housed evacuees at the Archdiocesan Formation Center in Dagupan City. The Parishes in the different Catchment-Municipalities of the Archdiocese were also used as Evacuation Centers. Most of the evacuees are now back in their respective homes,” ayon kay Hebron.

Tiniyak naman ng Caritas Lingayen-Dagupan ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga parokya upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Batay sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Uwan, ngunit posibleng muling pumasok sa Miyerkules ng gabi habang tumatama sa timog-kanlurang bahagi ng Taiwan, na magdudulot ng karagdagang paghina nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,421 total views

 29,421 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 104,035 total views

 104,035 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 184,114 total views

 184,114 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 227,253 total views

 227,253 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,571 total views

 226,571 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top