Pope Leo XIV: Gabay at Edukasyon, Sandigan ng Kabataan Laban sa Panganib ng AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,037 total reads

Naniniwala si Pope Leo XIV na ang wastong edukasyon at gabay sa paggamit ng teknolohiya ang susi upang maprotektahan ang mga bata at kabataan sa panahon ng artificial intelligence (AI).

Ito ang naging mensahe ng Santo Papa sa pagpupulong sa Vatican hinggil sa “dignity of children and adolescents in the age of artificial intelligence.”
Ayon sa kanya, mahalagang ang mga magulang, guro at institusyon ay maging mas mulat sa epekto ng AI sa paghuhubog ng isip at asal ng kabataan.

Binigyang-diin ng santo papa na ang mga menor de edad ay “particularly vulnerable to manipulation through AI algorithms” na maaaring makaapekto sa kanilang mga pagpili at kagawian.

“Only by taking an educational, ethical and responsible approach can we ensure that artificial intelligence serves as an ally, and not a threat, in the growth and development of children and adolescents,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Giit pa ng Santo Papa, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng mga polisiya sa paggamit ng teknolohiya; kinakailangan ding palakasin ang digital education upang maging bukas ang kamalayan ng publiko sa tamang paggamit ng AI.

“Safeguarding the dignity of minors cannot be reduced to policies alone; it also requires a digital education. Governments and international organizations have a responsibility to design and implement policies that protect the dignity of minors in this era of AI,” dagdag ng santo papa.

Umapela rin si Pope Leo XIV sa mga nakatatanda na maging aktibong tagapag-gabay, hindi lamang sa pagbibigay ng impormasyon kundi sa mismong paghubog ng karakter ng kabataan sa mundo ng teknolohiya.

“Adults must rediscover their vocation as ‘artisans of education’ and strive to be faithful to it. This is a vital exercise in safeguarding human originality and connectedness, guided by respect for human dignity as a fundamental value,” ayon sa Santo Papa.

Matagal nang turo ng Simbahan, mula pa sa ensiklikal na Inter Mirifica noong 1963, na ang teknolohiya ay dapat gamitin para sa kabutihan—para sa pagpapalaganap ng katotohanan at pagpapatibay ng moral na pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,040 total reads

 50,040 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,708 total reads

 129,708 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,155 total reads

 163,155 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,453 total reads

 198,453 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,009 total reads

 423,009 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top