Manila Archdiocese, naghahanda sa Local World Youth Day 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,155 total reads

Isasagawa ng Archdiocese of Manila Commission on Youth (ACY) ang lokal na pagdiriwang ng World Youth Day sa December 13, 2025, na inaasahang dadaluhan ng mga kabataang delegado mula sa iba’t ibang parokya at organisasyon sa loob ng arkidiyosesis.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang pagtitipon ay tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV na hikayatin ang mga kabataan na maging mas aktibo sa Simbahan sa pamamagitan ng paglabas sa kanilang comfort zone, pagtataguyod ng kapayapaan, at pagiging tapat na saksi ni Kristo sa pamamagitan ng makabuluhang karanasan at ugnayan.

Binigyang-diin ng Kardinal na ang pagdiriwang ay bahagi ng pagtatapos ng Jubilee Year 2025, isang taon na inilaan sa pagbabalik-pananampalataya at pag-asa para sa kabataang Katoliko sa Maynila.

Katuwang ng ACY sa organisasyon ng aktibidad ang Manila Archdiocese Vocations Office at San Carlos Seminary. Idaraos ang buong programa sa San Carlos Seminary Complex sa Guadalupe Viejo, Makati City, mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-otso ng gabi.

Tema ng selebrasyon ang “You also are my witnesses, because you have been with me,” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan 15:27.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat parokya, paaralan, at youth-serving organizations na magpadala ng hindi bababa sa sampung kinatawang kabataan.

Itinakda ang solidarity fee sa P100 kada kalahok, na sasaklaw sa event kits.

Magbubukas ang online registration sa official social media platforms ng ACY-Manila.

Para sa karagdagang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa ACY Secretariat sa [email protected] o sa (02) 8523-2814 at (02) 8404-3673 mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,135 total reads

 49,135 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,831 total reads

 128,831 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,278 total reads

 162,278 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,576 total reads

 197,576 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,183 total reads

 422,183 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top