Imbestigasyon kay Congressman Romualdez at Rep. Co, ipinaubaya ni PBBM sa Ombudsman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,826 total reads

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipapaubaya na sa Tanggapan ng Ombudsman ang pagsasagawa ng imbestigasyon kay dating ako Bicol Party-list Rep. Zaldy at dating House Speaker Martin Romualdez, kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Sinabi ng punong ehekutibo na ang lahat ng nakuhang impormasyon ng Independent Commission on Infrastructure at Department of Public Works and Highways ay ibibigay sa Ombudsman para imbestigahan ang pagkakaugnay sa mga paratang.

“At kaya ngayon, ay nais kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang ICI at saka ang DPWH ay lahat ng nakuha nila na impormasyon, ay irerefer, ibibigay na sa Ombudsman para imbestigahan ng Ombudsman,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na sakaling may ebidensya at mapatunayan ay maaring makasuhan sina Co at Romualdez.

Dagdag pa ni Marcos, “Pag nakita lahat ng ebidensya, baka magfile ng kaso ng plunder o anti-graft o indirect bribery. Malakas naman ang loob natin na yung Ombudsman ang ginagawa lamang ay sumusunod sa ebidensya, at kung saan tayo dinadala ng ebidensya, doon pupunta ang ating imbestigasyon.”

Sa kasalukuyan ay nanatiling nasa labas ng bansa si Co, habang una na ring humarap si Romualdez sa ICI, kamakailan.

Si Co ay kabilang din sa unang sinampahan ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan, kabilang ang ilang dating opisyal ng DPWH alinsunod na rin sa rekomenasyon ng ICI.

Matatandaan ding tinuran ni Co sa kaniyang posted video sa social media si Romualdez at Pangulong Marcos na may kinalaman sa sinasabing P100 B ‘insertion’ sa 2025 budget.

Naglabas naman ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa posibleng paggamit sa pulitika ng mga paratang ni Co, kaugnay sa anomalya.

Hinimok ng mga obispo si Zaldy Co na bumalik sa Pilipinas at isumite ang kanyang mga paratang sa tamang ahensya, nang may panunumpa at sapat na ebidensya bilang suporta.

Samantala, nagbitiw na rin sa posisyon sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman, na kabilang naman sa nabanggit ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo sa isinasagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 69,329 total reads

 69,329 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 117,540 total reads

 117,540 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 165,411 total reads

 165,411 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 269,356 total reads

 269,356 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 352,199 total reads

 352,199 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top