180,329 total views
Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan.
Ngayong lingo, live ng mapapanood sa Facebook at You Tube ang imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) sa multi-bilyong pisong eskandalo sa flood control projects ng pamahalaan.
Ang nabunyag na malawakang korapsyon ay yumanig sa buong bansa maging sa ibayong dagat., dawit sa korapsyon ang mga Senador, mga Konresista, mga opisyal ng DPWH, opisyal ng COA, mga gahaman na kontraktor.
OK na ang livestreaming, pero nilinaw sa 11-pahinang guidelines ng ICI na may pagkakataon na maging closed-door ang sessions.
Kapanalig, maaring magkaroon ng executive session o pribadong pag-uusap ang ICI kung hihilingin ng Anti-Money Laundering Council, Office of the Ombudsman, Department of Justice, Philippine National Police at National Bureau of Investigation. Pagbibigyan daw ng ICI ang kahilingan kung may sapat na legal na basehan at hindi makakaantala at magiging sagabal sa mandato ng kumisyon na ilabas ang katotohanan sa malawakang katiwalian.
Ibabase ng fact-finding body ang pagsasagawa ng executive session sa Section 3, Rule IV of the Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees o Republic Act 6713.
Guidelines sa media coverage… Ang ICI ang may kontrol at superbisyon sa livestreaming feed kung saan ang mga media organization ay maaring magsumite ng aplikasyon sa ICI feed bago papayagan na magkabit ng mga equipment. Hindi naman pinapagayang makapasok sa ICC sessions ang mga reporter o mamamahayag.
Pumayag daw ang ICI na i-livestream ang imbestigasyon upang mawala ang pagdududa ng taumbayan na may pinagtatakpan at kinikilingan ang independent body. Bago ang livestreaming, kinasuhan ni dating AKO-Bicol partylist representative Zaldy Co at 17 pang sangkot sa pangungurakot sa pera ng taumbayan na kinabibilangan ng mag-asawang Discaya.
Kapanalig, hindi kasama sa mga kinasuhan ang sinasabing utak daw ng 100-bilyong pisong budget insertions sa GAA 2025., si PBBM at dating House Speaker Martin Romualdez., dating Senate President Francis Escudero.
Kapanalig, napakalawak ng korapsyon sa flood control projects., sinasabi ng ICI… mahigit sa 1,200 indibidwal na sangkot sa katiwalian ang kakasuhan. Kabilang na ang mga notoryos na mga mambabatas at kontraktors. Maibabalik pa kaya ang tiwala ng taumbayan sa ating pamahalaan., sa mga opisyal nito., sa mga inihalal na mambabatas? Ang floodgate scandal ay nagdudulot ng galit sa maraming Pilipino, naging mitsa ito ng maraming kilos-protesta. Ang sigaw ng taumbayan, pananagutan sa mga sangkot.. makulong at maparusahan sa ilalim ng batas.
Sa mga magnanakaw, pagsisihan ang ginawang korapsyon at isapuso ang :Isaiah 33:15“Those who walk righteously and speak uprightly, who reject gain from extortion and keep their hands from accepting bribes, who stop their ears against plots of murder and shut their eyes against contemplating evil.
Sumainyo ang Katotohanan.






