Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 210,639 total reads

Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel?

Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na kilala bilang pork barrel funds. Natuklasan ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ ang katulad na mekanismo na naisingit na naman sa national budget.

Ang bagong tawag sa pork barrel funds ay “allocable funds”. Ang bagong “allocable system” ay medyo naiba ang istraktura., dahil ang kabuuang halaga para sa bawat distrito ay ginawang fixed ng DPWH gamit ang sinasabing “BBM Parametric formula” na naka-itimize direkta sa National Expenditure Program at pinal na General Appropriations Act o GAA.

Nakakabilib talaga ang ating mga mambabatas, parehong eskima, iniba lang ang pangalan. Sa pag-aaral ng PCIJ., 11-incumbent at dating kongresista ng Cebu ay nabigyan ng 55.77 bilyong piso na discretionary DPWH funds mula taong 2023 hanggang 2025.

Ang 55.77-bilyong pisong DPWH discretionary funds ay bahagi lamang ng 1.2-trilyong pisong na napunta naman sa iba’t-ibang district Representatives sa bansa.

Ang pinaka-malaking recipient ay si Cebu 1st District Representative Rhea Mae Gullas sa halagang 8.33-bilyong piso.

Isinapubliko din ng PCIJ ang kanilang PORK BARREL KING AND QUEEN 2025…nanguna sa listahan ng may pinakamalaking natanggap na”allocables” ay si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos na may P15.8 B.

Pangalawa si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez na may P14.4 B. Ang pangatlo ay si Taguig Pateros 1st District Representative Ricardo Cruz Jr. na may P10.6 B. Kasama din sa listahan sina Apayao Lone District Representative Eleanor Begtang, former Bukidnon 3rd District Representative Jose Maria Zubiri Jr., Zamboanga del Norte 3rd District Representative Adrian Michael Amatong, former Nueva Viscaya Lone District Representative Luisa Lloren Cuaresma, former Davao City 2nd District Representative Vincent J. Garcia, Agusan del Sur 2nd District Representative Adolph Edward Plaza, at Abra Lone District Representative Menchie Bernos.

Kasama kaya ang mga kongresistang ito sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan? Ito ba ang dahilan ng kawalan ng kredibilidad ng Independent Commission on Infrastructure o ICI?

Kapanalig, bilang mga Pilipino, karapatan natin na malaman kung sino-sino pa ang mga kongresistang ganid sa pera ng bayan. Dapat silang managot, dapat silang maparusahan!

Tungkulin ng pamahalaang Marcos na ilantad ang katotohanan sa mamamayang Pilipino ng walang kinakampihan at kinikilingan. Sa ganitong paraan lang, manunumbalik ang tiwala ng mga Pilipino sa mga namumuno sa ating bansa.

Ika nga ng JOHN 31-32 “He said to the Jews who had believed Him, “If you continue in My word, you are truly My disciples. Then you will know the truth, and the truth will set you free.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 39,780 total reads

 39,780 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 74,455 total reads

 74,455 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 103,406 total reads

 103,406 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 139,888 total reads

 139,888 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 155,678 total reads

 155,678 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 39,781 total reads

 39,781 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 74,456 total reads

 74,456 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 103,407 total reads

 103,407 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 139,889 total reads

 139,889 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top