Mananampalataya, hinimok ng Obispo na ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 85,817 total reads

Hinimok ni Catarman Bishop Nolly Buco ang mga mananampalataya na pag-ibayuhin ang pag-asa at ipamalas ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa habang naghahanda ang Simbahan para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Aniya, higit na mahalaga ang mensahe ng Adbiyento sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng mundo ngayon.

“In this Advent Season, we are reminded of the hope and joy that come with the anticipation of the Nativity of our Saviour, Jesus Christ. May our hearts be filled with hope and our spirits renewed as we strive to be beacons of light in a world that needs God’s love and tenderness,” ayon kay Bishop Buco.

Ipinaliwanag ng obispo na ang Adbiyento ay paanyaya sa bawat mananampalataya na palalimin ang pagtitiwala sa kaligtasang hatid ni Kristo at patatagin ang pananampalataya.
Ang pagpapadama ng pag-ibig sa kapwa ay isang malinaw na pagpapakita ng pag-asa.

Binigyang diin din ng obispo ang synodality na isinusulong ng Simbahan ay isang sama-samang paglalakbay ng pananampalataya na nakaugat sa pag-ibig at pagkakaisa.

Ang pagpapalakas ng ugnayan at partisipasyon sa pamayanang Kristiyano, aniya, ay nangangailangan ng pagiging bukas sa Espiritu Santo at sa “signs of the times.”

“As we prepare for the celebration of Jesus’ birth, let us reflect on the manger values of love, compassion, and mercy that He embodied… May the celebration of Christmas be a time of grace, peace, and joy for all our families,” dagdag ng obispo.

Hinikayat rin niya ang mananampalataya na hayaang maging daan ang diwa ng Pasko upang mas mapalalim ang malasakit at paglilingkod sa mga nangangailangan, sapagkat dito tunay na nahahayag ang kahulugan ng pagsilang ni Kristo.

“May we emerge from these holy seasons with a deeper commitment to our faith and to serving others,” ani Bishop Buco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 41,890 total reads

 41,890 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 76,565 total reads

 76,565 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 105,455 total reads

 105,455 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 141,937 total reads

 141,937 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 157,595 total reads

 157,595 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top