Archbishop Uy; Pananampalatayang nakaugat kay Hesus, panawagan sa Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,676 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na kinakailangang nakaugat kay Hesukristo ang buhay ng bawat isa upang manatiling matatag ang pundasyon ng pagkatao.

Sa kanyang pagninilay nitong Huwebes, sa unang linggo ng Adbiyento, binigyang-diin ng arsobispo na maging ang mga tao o bansang itinuturing ang sarili bilang Kristiyano ay maaaring humina at tuluyang bumagsak kung hindi nakasentro kay Kristo ang kanilang buhay.

Hinikayat ni Archbishop Uy ang mga Pilipino na suriin ang kanilang ugnayan sa Panginoon at tanungin kung ang kanilang pananampalataya ay talagang nakaugat kay Hesus.

“We call ourselves the biggest Catholic nation in Asia, but what is happening to our foundations?… Even a country that calls itself Christian can collapse if its foundation is not Christ,” ani Archbishop Uy.

Ayon kay Archbishop Uy, nakalulungkot na bagama’t masigasig ang mga Pilipino sa pagdarasal ng rosaryo, pagdedebosyon, at pagnonobena, hindi ito laging nasasalamin sa kanilang mga desisyon lalo na tuwing halalan.

“We pray the rosary, but during elections, we choose candidates for money, favors, or fear. We love God emotionally, but we do not follow Him in our decisions,” giit ng arsobispo.

Ipinaliwanag ng arsobispo na ang tunay na pananampalataya ay hindi nasusukat sa dami o lakas ng panalangin, kundi sa tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Nagbabala rin ang arsobispo na nananatiling sentimental at hindi moral ang pananampalataya ng marami, at binigyang-diin na ang edukasyon na hindi nagbubunga ng pagbabago sa buhay ay pawang impormasyon lamang.

Sa huli, iginiit ni Archbishop Uy na ang isang lipunang nakaugat sa katotohanan at katarungan ay magiging matatag at maunlad.

Kasabay nito, ipinagdasal ng arsobispo tuluyang mawala ang katiwalian sa bansa.

“A nation built on truth will stand; a government built on justice will stand; a Filipino built on God’s word will stand. Lord, make us wise builders… give us courage to reject the sands of corruption, greed, and compromise,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 43,864 total reads

 43,864 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 78,539 total reads

 78,539 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 107,367 total reads

 107,367 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 143,849 total reads

 143,849 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 159,360 total reads

 159,360 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top