Estudyante ng CEU-Manila at FEU, best female at male anchors ng Radio Veritas Campus Hour season 12

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,825 total views

Pinarangalan ng Radyo Veritas 846 ang mga natatanging students broadcaster na bahagi ng Campus Hour program ng Radyo ng Simbahan.

Ngayong 2025, isinagawa ang awarding ceremony ng Campus Hour season 12 sa Centro Escolar University Manila.

Sa kanyang mensahe sa awarding ceremony, hinimok ni Radyo Veritas President Father Roy Bellen ang mga student broadcaster na gamitin ang talentong ibinigay ng Panginoon sa tama.

Tagubilin ng pangulo ng Radyo ng Simbahan sa mga mag-aaral na ipalaganap sa pamamagitan ng pamamahayag ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig at mabuting balita ng Panginoon.

“nawa tayo pong lahat ay huwag makalimot na yung lahat ng skills and talents na nailagay po sa atin ng ating Panginoon, yung lahat ng ating galingan na ipamalas dun po sa ating pag-broadcast sa Campus Hour, ito po ay paalala lang: meron kang mission,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Lubos namang nagpapasalamat si CEU Manila Professor and Communication and Media Program Chair Jose Chris Sotto na maging bahagi ng Campus Hour radio program na naging daan upang lalong mahasa ang kakayahan at talento ng mga estudyante.

“Masaya po kami makasama kayo sa araw na ito. So talagang tuloy-tuloy ang participation namin dito. Masaya kami every year na maging bahagi ng Campus Hour at for sure tuloy-tuloy po ito – Mula script writing, lahat yung napapractice sa pag-participate ng mga estudyante natin dito sa Radyo Veritas Campus Hour. Kaya napakagandang application ito,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Sotto.

Kalahok sa Campus Hour Season 12 ang World Citi Colleges Aeronautical & Technological College, La Consolacion University of the Philippines, Universidad de Manila,Baliuag University, Colegio de San Juan de Letran, Far Eastern University, Centro Escolar University–Manila at Centro Escolar University–Malolos.

Nanalo sa Campus Hour Season 12 bilang Best Program Theme Song ang WCC Aeronautical & Technological College North Manila, Best Program Teaser Plug naman para Far Eastern University, habang Best Male and Female Anchors sina Zach Punzal ng Centro Escolar University Manila at si Dani Dayao ng Far Eastern University, habang Audience Choice award nama nang natanggap ng Colegio de San Juan de Letran Manila at Best Program Segment naman para sa Centro Escolar University Malolos.

Tinanghal namang Best Radio Drama Program ang Universidad de Manila, Best Program Promotional Campaign naman ang Centro Escolar University Manila, habang Best in Broadcast Production Materials para naman sa La Consolacion University, Best Production Team para sa Baliuag University, Best Radio and TV Performance naman para sa Adamson Universit at Best Campus Hour School ngayong Season 12 ang Far Eastern University.

Sa awarding ceremony, lumagda sa kasunduan ang mga opisyal ng Radyo Veritas at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa upang maging bahagi ng Campus Hour Season 12.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 8,128 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 8,234 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 69,293 total views

 69,293 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 139,136 total views

 139,136 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 170,418 total views

 170,418 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 202,433 total views

 202,433 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 351,139 total views

 351,139 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top