Traslacion sa loob ng higit 30 na oras: Nuestro Padre Jesus Nazareno, nakabalik na ng simbahan ng Quiapo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 76,316 total views

Traslacion sa loob ng higit 30 na oras: Nuestro Padre Jesus Nazareno, nakabalik na ng simbahan ng Quiapo

Ganap na alas-10:49 ng umaga nang tuluyan nang makauwi sa kaniyang tahanan sa Quiapo Church o Minor Basilica of Jesus Nazareno- ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, matapos ang 29 na oras na prusisyon.

Sa ulat, ganap na alas 3:58 ng umaga ng Jan. 9 nang umusad palabas ng Quirino Grandstand ang andas lulan ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at nakarating sa Quaipo Church sa ganap na 10:49 ng umaga ng Sabado, Jan. 10.

Ang prusisyon ay inabot ng higit 30-oras ang pinakamatagal na prusisyon sa kasaysayan ng Traslacion.

Una na rin humiling ng panalangin si Fr. Ramon Jade Licuanan-rector at parish priest ng Quiapo Church sa publiko at mga kapwa deboto para sa kaligtasan ng bawat isang nakikibahagi sa prusisyon, gayundin ang maluwalhating pagbabalik ng imahe sa loob ng kaniyang dambana sa Quiapo.

“I would like to ask and appeal to everyone, please say a little prayer na hindi na mag-increase yung number of casualties and then makabalik yong andas dito sa simbahan and most specially makabalik ang mga kadeboto natin nang ligtas sa kani-kanilang pamilya. Sa kani-kanilang tahanan.”

Ang pahayag ni Fr. Licuanan ay kaugnay naging panandaliang tensyon sa Traslacion matapos ipagpatuloy ng mga Hijos del Nazareno at mga deboto na hilahin ang andas patungong Quiapo Church, sa kabila ng naunang anunsyo na pansamantalang munang mananatili ang andas sa Minor Basilica of San Sebastian.

Gayunman, ilang sandali matapos ang anunsyo, muling hinila ng mga Hijos del Nazareno at mga deboto ang andas upang ipagpatuloy ang ruta patungong Quiapo Church.

Ipinaliwanag ni Fr. Licuanan na ang desisyon ay kaugnay na rin sa rekomendasyon ng mga kasamang namamahala sa Traslacion, kabilang na ang pamahlaan ng Maynila, Department of Health, Armed Forces of the Philippines at iba pang stakeholders.

“We were informed this morning ng Department of Health na medyo ang resources natin in terms of people, doctors, and all the medical professionals and volunteers medyo pagod na rin po. I mean, it is easy to understand; it’s been more than 24 hours already. And I have to take courage to take the microphone,” ayon kay Fr. Licuanan.

Dagdag pa ng pari, “It’s a very beautiful spiritual exercise. You’re able to express your faith in God and devotion to God. But mind you, God is also after the welfare of our body, our physical body. Gift din ng Panginoon ‘yan.”

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Fr. Robert Arellano, tagapagsalita ng Traslacion 2026 na umaabot na sa 1,700 ang naitalang medical cases, kung saan dalawa sa bilang ang nasawi.

“For the record, ito po ang confirmed records at this time point in time. We have 1,700 cases, two of which, it was confirmed, are death cases,” ayon kay Fr. Arellano.

Ito ay bukod pa sa photo journalist na si Iton Son, na nasawi dahil sa atake sa puso sa Quirino Grandstand.

Ayon pa kay Fr. Arellano, sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pamunuan ng Quiapo ang ibang detalye kaugnay sa mga naitalang nasawi at nasaktan.

Sa inisyal na ulat, tinatayang may limang milyong deboto ang nakiisa sa pista na nagsimula sa Quirino Grandstand at nagtatapos sa Quiapo Church.

Ito ang kauna-unahang pista ng Nazareno sa ilalim ng pamumuno ni Fr. Licuanan na itinalaga bilang rector at parish priest ng Quiapo noong Jan. 29, 2025. Si Fr. Licuanan ang humalili kay Fr. Jun Sescon na itinalaga namang bilang obispo ng Balanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 21,096 total views

 21,096 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 71,110 total views

 71,110 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 66,979 total views

 66,979 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 102,885 total views

 102,885 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 110,389 total views

 110,389 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top