Archdiocese of Cebu, nakikiisa sa Day of mourning sa mga nasawi sa Binaliw landfill tragedy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,563 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Arkidiyosesis ng Cebu sa pamahalaang lungsod ng Cebu sa pagdedeklara ng January 16, 2026 bilang “Day of Mourning” para sa mga biktima ng trahedyang naganap sa Binaliw landfill.

Ayon kay Cebu Archbishop Alberto Uy, mahalagang ipagdasal ang lahat ng mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay na dumaranas ng patuloy na pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.

Bilang pakikiisa at panalangin, hiniling ng Arsobispo sa lahat ng parokya sa Arkidiyosesis ng Cebu na ialay ang lahat ng Banal na Misa sa itinakdang araw sa ika-16 ng Enero, 2026 para sa mga nasawi, gayundin para sa kanilang mga naulila at mahal sa buhay.

“The Archdiocese of Cebu joins the Cebu City Government in declaring January 16 as a “Day of Mourning” for the victims of the Binaliw landfill tragedy… We ask all parishes in the Archdiocese to offer all Masses on this day for the victims of the tragedy and for their grieving families and loved ones. May the Lord grant eternal rest to those who have died and comfort to those who mourn.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Uy.

Nanawagan din ang Arkidiyosesis ng Cebu ng patuloy na panalangin, pakikiisa, at malasakit para sa mga pamilyang apektado ng trahedya, habang patuloy ang paghahanap sa mga nawawala at ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng naganap na trahedya.

Sa kasalukuyan umabot na sa 13 ang kumpirmadong nasawi, habang mahigit pa sa 20 katao ang patuloy pang hinahanap.
Una ng nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa si Archbishop Uy para sa mga biktima ng landslide sa Prime Waste Solutions Cebu Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City na naganap noong ika-8 ng Enero, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,972 total views

 15,972 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,986 total views

 65,986 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,855 total views

 61,855 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,951 total views

 97,951 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,878 total views

 105,878 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top